Situation A
Alas-dose ng tanghali sa may carenderia, umupo ako at namili ako ng mga ulam,
ang tanong ng tindera:
“KAKAIN PO KAYO SIR?”...
(hay madam! Hindi pa ba ako kakain kung nakaupo na ako at namimili ng ulam?) joke!
Situation B
Kasabay ko ang kaklase ko sa English, si Classmate C, papuntang praktis sa presentation namin.
Ang tanong ng lider ng grupo pagdating namin:
“Dalawa lang kayo?”
(sige nga Miss, ako at siya. Isa, dalawa: Magtatanong ka pa ba kung dalawa kami? Ilan pala ang bilang mo?)
Situation C
Nanonood kami ng pamangkin ko nang DVD, pero na bad-trip ako kasi pangit pala ang palabas kaya sinabi ko na lang sa kanya, “I-off mo lang pagkatapos ha?”
Ang tanong ng pamangkin ko:
“Off ko lang?”
(hindi, i-on mo na lang hanggang sumabog. Kasasabi ngang i-off pagkatapos diba?)
Situation D
Nagpadeliver si Mama ng Gasul, at sinabihan niya si Papa na ipasok sa loob ng bahay, at i-install.
Ang tanong ni erpat:
“Doon sa loob?”
Ang sagot ni Mama:
“sa kalsada na lang kaya, kasi doon ang loob ng bahay natin. Sa loob sabi ko diba? Subukan mo ngang ipasok sa labas?'
At hindi na ako naka-alma pa, kasi nakakatawa!
So ngayon, saan ang mas nakakainis na mga sitwasyon?
Ano ito? Mga obvious na mga bagay, na may obvious ding sagot. Pero minsan din, baka ganito din ako, hindi ko lang namamalayan. Ngayon ganito: Normal na ba talaga ang mga ganitong bagay? Normal na ba talaga na itanong pa ang mga obvious na mga bagay? Maaring oo, maari rin sigurong hindi. Depende sa inyo.
Pero, obvious na nga ba diba? Ibig ba sabihin nito na masyado tayong abala na sa mga bagay-bagay na mas importante pa kaya minsan nakakaligtaan na natin na may mga bagay na nasa harap na at hindi pa makita-kita? Anong tawag dito, “naging tanga” o “pinili na maging tanga”? Which is which?
Ano ito? Hindi ko alam. Natural, kaya nga nagtatanong ako. Kung ako man ay naging ganito, aba, hindi na iyon kataka-taka. Kasi may katangahan ako eh. At for sure, hindi ko pipiliin na maging tanga.
Ano kaya sa tingin mo?