19 ka tao na ang dumaan. O ewan ko nga ba kung tao ang mga iyon, di natin alam. Pero sa mga 19 kataong ewan, nakakainis isipin na titingnan lang nila na duguan. Partida, bata pa iyon ha. Pero, oo nga naman. Malay ba nila na panglima o pang sampu na siyang tao na nakakita sa bata. Ang hirap naman tantyahin kung ika-ilang tao kana na nakakita noon diba?
Sabi ng mga nabasa kong mga comment, cheap lang daw ang buhay sa China . Mas priority parin daw ang mga lalaki. Sa isang comment na nabasa ko, may isa na daw na insidente nang taong na hit and run, at may tumulong. Dinala sa hospital ang tao. Pero sa kamalasan ng tumulong na tao, siya pa ang napagbintangan. Dahil? Dahil tutulongan daw talaga ng isang may sala ang isang taong kanyang nasagasaan. Konsensiya daw iyon. (ewan ko kung tama ang translation basta ganoon ang thought. Ehehe.. madugong English kasi iyon.)
Kung sabagay, kung tutulong ka at ikaw pa ang mapapasama, magdadalawang isip ka din siguro. Ang mga ganitong eksena, nakikita ko lang sa DETECTIVE CONAN, na ang criminal ang mismong tumulong sa biktima niya para magmukha siyang mabait. Pero, hindi ko alam, talaga palang nangyayari ito sa totoong buhay.
Ganito ba kakitid ang utak nila? Kung sabagay, sila naman pala ang mas nakakalaman. Sino ba naman ako? Mag-commento man ako, wala din itong epekto sa kanila. Kasi naman, sisisihin pa din ang kultura, kasi iba ang kultura nila. Lintik na kultura yan! Pati, buhay ng batang walang kamuwang-muwang, damay pa.
Kung ako din ang nasa sitwasyon, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Kasi for sure, kung dito yan nangyari sa aming lugar, tiyak hindi yan dededmahin. Siguradong pagpyepyestahan yan ng mga tao dito, at maraming tatawag sa pulis, ambulansya o kahit siguro bumbero. At kahit gustuhin ko man na tumulong, wala na. tapos na. may nakauna na. Sorry po, kasi ganito ang aming kultura!
Kumalat na nga sa internet to. Nag-threading na sa mga networking sites. Maraming naki-simpatya sa nangyari. Kasama na ako doon.
No comments:
Post a Comment