Pages

Monday, March 28, 2011

The New Philippine Money


Aba naman oo! Nagbago na pala ang ating peso bills? Nakita ko kasi itong mga kakilala ko na may mga 20php na bago sa kanilang pitaka. Take note, 20 pesos iyon, pero ayaw parin gastahin. Ewan ko sa kanila. last year pa ito, pero ngayon ko lang nalaman na meron pala. Siguro, ay napag-iwanan na talaga ako ng bagong henerasyon.

Langhiya! Ganito na ba ang Pilipinas ngayon? Pabago-bago na nang pera, kasi may bagong Pangulo? Eh diba? May bago ding pera noong bagong pangulo pa ang ating mahal na dating pangulo na ngayon ay isa nang marangal na Congresista?  Aba, sana naman ay maging pangulo na din ako, para mag-papagawa din ako ng mga bagong pera.


Pansinin natin ang mga bagong pera ngayon?



Ang Bagong bills natin! Mas matingkad! Mas Maganda! Nanguha pa talaga ng Picture sa mga baul-baul
Ang dating peso bills. Salamat sa mga illustrator sa pag-dra-drawing nila ng mga mukha.


Iyong 20php Bill, mas nagging orange ata. Ewan ko kung orange ba siya talaga kasi colorblind din ako eh. Mas naging swabe si Manuel L. Quezon. Mas bata siya dito, kumpara noong una na parang dri-nawing lang. Ngayon parang galling sa baul na picture.


Ewan ko ba, o kung ako lang ang nakaka-pansin pero parang pumayat yata si Sergio S. OsmeƱa. At oo, naging bata din sa 50php Bill. Take note, nawala ang mga white hair niya. Baka, nagpa-tina ng buhok.


Sa 100php bill, parang sumaya ng kaunti si Manuel Roxas?


Sa 200 bill ay parang nag-front view ng kaunti si Diosdado Macapagal. Kasi parang dati naka-side view siya ng kaunti eh. At tama ata, mas naging chickboy siya tingnan. Sa likod, lumiit si Gloria. Kawawa naman, niliitan pa. Napalitan tuloy siya ng maliit na tarsier. uso siguro ang maliit sa likod ng 200php Bill.


Obviously, sa 500 peso bill hindi na tinamad si Ninoy Aquino. Naging masayahin na siya, siguro dahil  kasali na sa picture frame ang kanyang asawa. Lupet!

Sa 1000peso bill? Nag-iba ng kaunti ang mukha ni Brigadier General Vicente P. Lim. Parang nagging masyahin  din ng kaunti.

Naku, nagbago na nga ang pera ng Pilipinas. Naalala ko pa, meron iyong coin na hugis bulaklak. Tapos meron din iyong coin na kulay pale silver na maliit tapos sa likod ay may naka-ukit na maliit na isda. Siguro dilis. Iyong piso noong una, hindi bundok  o araw ang nakaukit sa likuran. Kundi kaladaw. Wala na din iyong 10php bill na sa likod nito, may isang simbahan at may pusa sa bubong nito.


Oo, siguro nga, nag-iba na ang pera ng Pilipinas.Tanong? Nagbago din ba ang pilipinas?

Kung hindi ang sagot mo. Tanga ka! Aba, noong una,hindi masyadong industrialized ang Pilipinas. Pero ngayon ,meron ng mga malakihang buildings. Mga mas maayos na daan. Iyon nga lang sapat naba ang ganitong industriyalisasyon para mabawasan ang mga naghihirap na mamamayan? Ang tanong ulit! Nagbago ba ang pamamalakad sa Pilipinas? Ang gobyerno?
Kung ganyan ang tanong, aba’y di ko na alam ang isasagot! Dito, mahirap magsalita kasi hindi mo alam, baka bukas bangkay ka na.

Ang pera natin ngayon? Maganda! Lupet ng pag-kaka-lay-out. At halatang pinag-isipan o kaya naman ni-rsearch talaga. Kaya naman pala, hindi magasta-gasta ng kakilala ko ang perang iyon. Sayang lang, at ang mga magagandang perang ito, napupunta lamang sa maruruming bulsa ng mga taong walang alam sa kung anong maganda: magandang ugali. Ay hindi pala, mali pala ako, alam pala nila ang maganda. Kaya siguro napalitan ng mas magagandang pera, para may konting design iyong koleksiyon nila ng pera.

Sayang talaga. Sayang.



Ito ang malupet! Talagang hahanapan talaga ng panukli sa PERANG ito.
Sana, balang araw maging Presidente din ako, at gagawa ako ng sariling Philippine peso bill. Ito, ang desinyo.





 Mas okey na din ito. Color-GREEN. To promote... PEACE!!! peace men!

1 comment: