Pages

Sunday, March 27, 2011

Ph.D Ka na Ba?


Aba'y kung graduation lang din naman ang pag-uusapan, huwag nating ipagkaila ang puntong, meron ding mga estudyanteng muntikan-pero. Muntikan nang grumad-weyt pero hindi rin.

Oo nga... Naiintindihan ko ang sitwasyong ito, kasi in the first place. Nakaka-relate ako. At sa totoo lang, parang routine na din sa akin ang ganitong sitwasyon. Pero, di bale kasi hindi lang naman ako ang naka-experience niyan for sure.

Ganito, kasalanan ba ng mga taong bumagsak na bumagsak sila sa isang subject? Sino bang tanga ang nangangarap na sana, bumagsak siya para pagalitan ng magulang. Sa totoo lang wala, at kung meron man ay malamang may toyo ang utak. Ulol in short.

Aber kung nabagsak ang isang tao? Sino dapat ang sisihin?

Sisihin kaya natin ang utak, iyong tipong lahat ng brain cells mo, paparatangan mong hindi gumagawa ng kanilang mga gawain sa utak. Siguro hindi rin. Kasalanan ba ng utak natin na mukha na siyang monggo sa liit. Kasalanan ba ng utak na noong developmental stage pa lang nito ay nilaan na para maging ganoon lang dapat. Afterall, huwag ka dapat mag-reklamo sa mga brain cells mo sa kadahilanang hindi sila nagtratrabaho ng maayos, remember hindi mo naman sila sinusweldohan! Baka mag-strike sila, at magkaroon ka ng brain freeze. Baka, freeze to death ka na rin.

Kung hindi ang utak, aba'y sisihin mo na alang ang sarili mo. Tutal, sisihan lang man din; sisihin mo lang naman ang sarili mo mga ilang minuto o oras, diba? pinakamatagal na ang mga araw... At babalik ka din sa dati. for sure. In fact, diba sinisisi ka din ng nanay o tatay mo kapag nabagsak ka diba? Sinisi nila ang sarili mo. Sad to say kasi, endagered species na ang mga magulang na open-minded, dahil parang simula pa lang nang human history, di na sila ganoon masyado karami. Pero, wala akong paki-alam diyan. Basta ako, sasabihan ko lang nanay ko, “Ma, huwag mong sasabihing bobo ako, kasi sa inyo ako lumaki. Baka kwestiyunin nila kung saan ako nagmana, mahirap na!”

At dahil diyan, sisihin mo na din pati ermat at erpat mo. Isumbat mo sa kanila noong gumawa sila ng project at experiment para gawin ang isang tao(obviously ikaw) ay nakalimutan nilang lagyan ka nang mas marami pang mussle, tissue o cells ba, para malagay sa iyong utak, na kahit ilang PROMIL o WYETH ang tirahin at laklakin mo araw-tanghali-gabi-midnight-snack, ay hindi ka pa rin ga-graduate sa dahilang may lagpak kang subject. At kung sabihin man nilang, “Kinaya ko kaya yan noong una, bakit ikaw hindi”, abay sabihin mo sa kanila, “aba ma, Noong una, hindi pinag-aaralan ang composition ng type-writer, ngayon pinag-aaralan na ang composition, ng computer. advance na ang generation ngayon, mas mataas na ang learning compare sa inyo.” tingan natin kung sinong hindi mapalo.

TIPS para sabihin sa magulang para hindi ka masyadong pagagalitan na bagsak ka,,at hindi ka ga-graduate ngayon:

1)      Magpakaawa ka, iyong tipong sinisisi mo daw ang iyong sarili dahil bumagsak ka. Sabihin mong, “Ma, Pa, I was a disgrace of this family... Nahihiya ako sa inyo. Di niyo ba napapansin, nag-seself-pity ako!” Drama lang katapat, para kaawan ka nila.
2)      Takpan na lang nang mas matinding kasalanan , para hindi mahalata masyado. Gaya nito, “ma, nakagawa ako ng matinding kasalanan, bukod sa nabagsak ako at hindi ga-graduate ngayong taon, ay nakabuntis din po ako.” In this case, hindi nila ma-i-i-focus ang attention nila sa bagsak mong subject.
3)      Cheer up! Ngumiti ka lang , at sabihin mong, “ Ma, Pa, hindi ako ga-graduate ngayong taon na ito. Pero okay na ako ngayon ma, Naka-get-over na ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin, thanks for the comfort.”

nakakainis. Sobrang bad-trip nito. Noong una, habang naglalakad ako sa kalye para mag-isip-isip dahil sa nabagsak ako, abay langhiya.. may isang tindero ang sumigaw. "dito na kayo! BAG-SAK presyo!" aba.. inimphasize pa talaga niya ang salitang BAGSAK. Nakakainis. 

Sa totoo lang ano, napakahirap talagang mabagsak. Dahil, in the first place, hindi naman kaibigan, magulang, classmate, pet sa bahay, landlord o tindera ng yosi sa kanto ang nag-aaral para sa kapalaran na bagsak. Bakit, sila ba ang nagpapakahirap mangopya sa katabi? Sila ba ang na-no-nosebleed sa exam room? Hindi naman diba? Ikaw iyon, ako. Tayo! Hindi madali mag-isip ng strategy o mas magandang intro sa iyong explanation para lang sabihin sa magulang mo, “Nay, tay, Bagsak ako!” Mahirap iyon. Kung alam mo lang.

Talunan? Sige sabihin na nating talunan. Bakit? Kasi hindi maka-graduate? Kasi walang awards, medal, ribbon, plake, trophy, gift certificate o kung ano-ano pang items na maipagmamalaki. Aba, kaya mo din bumili na mga ganyan, mura lang sa Chinatown, 12 pesos ang medal, 15 pesos iyong mas maganda-ganda ng konti. Kung gusto mo pa, pakyawin mo GOLD, SILVER, BRONZE, isali mo na din pati ALUMINUM, GRAPHITE, DIAMOND, o kung ano-ano pa.

Yeah! tama, alam ko, hindi ako bobo. hindi naman sa medal iyan, nasa kung ano ang sinisimbolo ng mga medalyang iyon.

Pero, hindi talunan ang mga taong bumagsak. Para sa akin hindi, ang talunan lamang ay ang mga taong sumusuko. Wala nang mas talunan pa sa taong sumusuko sa laban kaysa sa taong andyan pa rin para lumaban.

Sa aking pananaw kasi, kapag ang isang tao ay  hindi maka-graduate-graduate, huhusgahan agad-agad ng tarantado, sira-ulo, iresponsable. okay lang matawag ng ganyan. Nasanay na din ako sa konseptong ganyan. Pero, para sa akin, “Tama! Ganyan ako, at pasalamat kayo. Dahil kung nagsipag lang talaga ako, baka ako na ang pumakyaw ng mga mga award ninyo!” LOL! Pang-fighting spirit lang..

Hindi ako BOBO, tinamad lang ako. At kahit tinamad ako, CUTE pa rin ako.

Di baleng, mag-pi-PH-D na sa skwelahan. O kung baga ay mas malala pa  sa isang Medical Student sa nag-aral ng mga 10 taon. Basta maka-graduate, iyon na. Todo mo na. Ibig lang sabihin, favorite mo lang talaga ang isang subject, at gusto mo itong balik-balikan, diba? Tama?

Para sa mga pahinga—muna-at-see-you-next-enrollment students, okay lang iyan. Sige lang sa buhay. Sabi nga ng isang hindi katalinuhang nilalang sa mundo, “In the end, its gonna be alright, if its not alright, then it's not yet the end.”

2 comments:

  1. natawa ako sa tip number 2 mo! hahaha. oo, fight lang ng fight, ggraduate din..hehe

    ReplyDelete
  2. @ kringles: ahahahaha... oo nga. minsan naiisip ko din ang mga ganyang bagay. tama! ga-graduate din.. imposibleng hindi

    ReplyDelete