Sa totoo lang, kung hindi mo pa alam kung anong buwan na ngayon... MARCH na!
Kaya, happy Graduation day sa studyanteng ga-graduate ngayong taon na ito. Congratz sa inyo mga Toodlers at Kindergarten (kung nababasa niyo ito) Elementary, Highschool, College, Masters, Doctoral, TESDA, o kung ano pa man iyan basta sa ngalan na ga-graduate ka, congratz, graduate ka na sa pangongopya (tamaan huwag magalit). Special mention na din sa mga Octoberian, yes. Isang sem na hinintay at naging tambay, ngayon... graduation na.
Kaysarap din ano na ga-garduate ka, iyong tipong sa wakas lahat ng units mo, makuha mo na. Kahit na wala lang, garduate ka lang, walang awards, abay masasabi kong achievement na rin na nakatapos ka sa lahat ng mga pinag-gagawa mo sa iyong buhay.
Pero sabi nga nila, lalong-lalo na nang mga mahal nating mga guro na “LEARNING is not an ending process. It continues outside the real world”. Kaya habang naiisip ko, Hay naku, ano ba, study na naman ba talaga? Aba'y suko na ako diyan. Walang humpay na pag-aaral, buti sana kung allowed pa ang kodigo. At tsaka, “maam, hindi po ba real world ang paaralan? Fake world po ba ito?”
Graduate1: Pre, may award ka ba?
Graduate2: Wala eh, kaw pre?
Graduate1: Pareho pala tayo. Pero bakit 2 ribbon mo?
Graduate2: Kinuha ko kasi sa aking Ermat. Hayan, may Graduate, may Parent!
Graduate1: Astig pre!
Naiisip ko din, talaga nga bang maaaply natin ang mga natutunan natin sa school sa totoong trabaho natin. Example, PE. Na kumpleto mula PE1-PE4. 2 units lang pero, walang graduation na magaganap, kung hindi naipasa. Huwag na huwag mo sanang sasabihin sa akin na kapag graduate ka ng B.S. Tourism, ay bigla kang mag-sasayaw ng TANGO at CHA-CHA habang nag-propromote ng Philippine Culture, abay hindi naman ata tama iyon.
Eh kung gradute ka naman ng AB MassCom, abay for sure nadaanan mo ang SpeechCommunication. Kung saan malaman mo na meron palang receiver, sender, channel, at kung ano-ano pang mga bagay na may kinalaman sa Speech. Huwag mo din sanang sabihin na kapag may nagtanong sayo ay sasabihin mong, “Sir, considering that you are the receiver of my message and me as a sender, the toilet was just beside this room,” Hayaan niyo sanang maghiram ako ng expression, “LOL!”
Pero di na importante yan, basta graduate na. Kaya parating susundin ang mga pamahiin ng mga magulang natin na nasabi din ng aking inay noong dati, “huwag ka muna sanang maglalabas ng bahay dahil, lapitin ka sa digrasya kasi graduation na”. Ewan ko kung bakit nila nasabi iyon pero wala namang mangyayaring masama kung susundin na lang. Afterall, most of us, kung di rin dahil sa kanila ay hindi ka rin ga-graduate.
Graduation, kaysarap kunin ang diploma sa stage, bunga ng iyong pagtyayaga, bunga ng iyong pagpapagod, bunga ng iyong sakrispisyo at bunga din ng mangga. Basta, trip ko lang isali ang mangga. Pero seriously, walang humapay na kasiyahan ang maka-graduate ng mga isang kurso, lalong-lalo na sa isang sibilisadong pamayanan na mas may tsansang makamit ang mga pangarap sa buhay kung may diploma ka at nagamit din ito sa tamang paraan.
Kung may hahadlang pa sayo, abay, basagin mo nang mukha, at sabihin mong “BASAG TRIP KA!” Langhiya!
Di baleng, reconsider, pasang-awa, o kahit bunga lang ito ng pagluhod sa Dean para lang talaga masama sa Graduate's List, ang importante... Graduate ka na. At ang buhay ay hindi nagtatapos sa isang seremonya kundi nag-uumpisa pa lang sa panibagong pahina ng iyong libro.
Happy Graduation. Lechon na! Magpatumba na nang baka!
No comments:
Post a Comment