Please lang, kailangan niyong marinig ang kantang ito.
Kung hindi niyo ito maririning, you will miss half of your life. (joke!)
Ngayon? Anong masasabi niyo sa kantang ito? Maganda? Pangit?
Hindi ko pa rin maisip hanggang ngayon, ang dahilan kung bakit maraming tao ang may-ayaw ng kantang ito. Isa lang naman itong kanta... kantang tumatalakay sa kung anong gustong manyari ng may gawa nito.
Irritating? Pucha! Ano ba ito? Kati? Kung irritating ba kamo, ay bakit nagkaroon ng maraming views ang kantang ito at buhay na buhay ang YOUTUBE, sa kantang ito. Biruin mo, page palang, may mga comments na 2 seconds ago? Kung irritating ba kamo, ay huwag na lang kayong makinig. ULOL!
Yesterday was Thursday
Today is Friday
Tomorrow is Saturday
And Sunday comes afterwards.
Ano bang mali doon? Tama din naman diba. Matakot ka kung nasabi niyang Today is Monday, and tomorrow is Monday still.
At kung ulit-ulitin man niyang kantahin ang FRIDAY, wala na tayong pakialam doon.
Ako? Anong masasabi ko? Nakakatawa! Hilarious! So-Joking, sabi nga ng mga tao dito sa bahay namin. Ewan ko kung bakit so-joking.
Para sa akin, okay na din pantanggal ng suya. Mula sa boring mong araw, mas maganda pa ring makarinig ng mga magangandang bagay(that includes nakakatawa!), kesa naman sa parating pag-uwi mo sa bahay, makakarinig ka na naman ng mga balita sa TV na puro patayan..
At kung ganoon nga, kailangan pa ba talagang ipagkalat sa mundo na ganito ka ****** ang kantang ito. Bakit, kasi ang ibang mga tao, nagkakaroon ng feeling of superiority? Kasi pangit daw ang pagkagawa kaya iniisip ng iba na ganito kababaw, at ang sila naman ay matataas? Well, wala na akong magagawa sa ganyang aspect, kasi nga, may kanya-kanya tayong opinyon. Opinyon na minsan, wala namang ka-kwenta-kwenta sa pagsasalita ng HARSH WORDS, para masabing “im cool”.
Pero paki niyo, paki-ko, at paki natin... Inggit lang ang iba kasi siya, sikat. ang iba, pasikat... comment-comment na lang daw ng mga di kaaya—ayang salita, akala mo naman kung sinong magandang kumanta. Para sa akin? Buti pa siya, maganda ang video, naka-HD pa nga. Mayaman!!!
At tama siya! Na-sapul niya! Excited naman talaga halos lahat tayo kapag Friday diba? Kasi, halos patapos na din isang linggong trabaho o pag-aaral. bakit? May trabaho bang sa Wednesday ang last day ng weekdays? Buti pa siya, alam niya!
Kaya sa inyo, magpasalamat kayo. Dahil kung hindi dahil dito, malamang ay naka-tali pa rin tayo sa mga kantang hapon, intsik, o koreano na ewan ko ba kung naiintindihan ng iba. Kasi para sa akin, HINDI TALAGA!!! Buti pa ito, at least naiintindihan ko.
Hindi naman ganito ka pangit ang video. Siguro, naunahan lang ang iba sa pag-iisip na ito ay pangit, kasi nga sabi ng iba. Kaya naman ay nakikiayon na lang,Para hindi matawag na KJ. pero in the whole. Maganda. Maganda siya. Maganda si Rebecca. Ahahahaha..
Ikaw? Ano sa tingin mo?
hahah huwag na chong masisira ulo ko sa miss obvious girl na yan.. hahah funfunfunfufunfunfun.. hahaha
ReplyDelete