Pages

Friday, March 4, 2011

Tawagin Mo Na Lang Siyang _____ !


Sa isang Kindergarten Class:

Teacher: Okay Dear, what is your name?
Student: Hi classmates, hello friends. My name is Ray John Albert Seth Paolino Benedict L. Sy.

Middle of the school year...

Student1: Kilala mo ba si  Ray John Albert Seth Paolino Benedict L. Sy?
Student2: Huh? Hindi eh? Sino ba siya?
Student94723: Si Singkit!
Al together: Ahh...

Tama! Isa-isa sa atin ay may kaniya-kaniyang mga tag-name. Mga PALAYAW! Oo, iyong tipong hindi kana tatawagin sa pangalang nakatatak sa iyong birth certificate kundi sa pangalan na gusto itawag sa iyo ng nakakarami. Ikaw? Ano ang palayaw sayo?

Natatawa ako minsan sa mga kaklase ko noong una, kasi ewan ko ba kung saan nila nakukuha ang mga ganoong palayaw. Isa sa kanila ay may pangalang, Reo-odin. At alam mo kung ano palayaw niya? Huwag ka sanang mabastusan at pasintabi na lang pero palayaw niya ay TIT*. Kung medyo grin minded ka ay alam mo kung bakit ganyan ang kanyang palayaw. Kung hindi naman ay, sasabihin ko kung bakit.

May isa din akong classmate na hugis oblong ang kanyang mukha. Gago din iyong kaklase kong iyon at adik-na-adik sa mga laro gaya ng trumpo, lastiko, at iba pang mga bagay na na-uso noon. Kapag sinasabihan siya ng ganyan ay nagagalit siya, pero later on wala na siyang nagawa kundi i-accept na lang ang katotohanan na ganyan na talaga ang kapalaran niya sa piling namin. Kaya naman minsan noong lesson namin sa parts of the brain ay nagulat ang aming teacher.

Teacher: Class what is this?
Class: MEDULLA OBLONGATA!!!
(hahahaha.. LOL....) walang humpay na tawanan ang kumawala sa classroom.
Teacher: Bakit?
Class: Wala Ma'am.
Teacher: Sige nga, again what is this?
Class: MEDULLA OBLONGATA!!!
(at walang humpay na naman na katatawanan ang kumawala sa amin. Itong titser naman namin, ginanahan pa)
teacher: Sige pa nga ulit, what is this?
Class: MEDULLA OBLONGATA!!!
(kahit ulit-ulitin ni Maam, nakakatawa pa rin siya)
Oblong: HEHEHEHEHE. Ako pala iyon?

Sa mga natatandaan ko, eto ang mga palayaw na aking natatandaan sa mga kaklase ko  dati:

_Baboy=obvious na kung bakit
_ Talampakan=kasi mukha niya, parang talampakan sa pagiging wide-spread
_Anus=dahil may second name siya na Kanus. Asset din niya pwet niya.
_Drumstick=kasi hindi siya payatot, kundi payat na payat na parang malnourished, kasing payat daw ng drumstick ng mga drums.
_Tuko= obviously, kasi kamukha niya ang tuko.
_Gamba=mahilig kasi siya mag-drawing ng gagamba, kasi iyon lang naman din ang kaya niyang i-drawing.
_Suneyo=kasi kamukha niya si Suneyo sa Doraemon, nauuna at naka-usli ang panga kaysa gilagid.
_VARICOSE- basta !
_etc.. marami pa.

Pero kung sa tingin mo mga taong ka-edad mo lang ang walang ligtas, diyan ka nagkamali dahil pati mga senior citizen ay kasama. Sino sila? Ang mga natatanging titser natin. Damay-damay lang iyan.

Ipinakikilala ko sa inyo si Squidward. Ang titser ko noong una sa *******. Simple lang, kasi kamukha niya talaga si Squidward. Basta, iyon na. Mabuti naman siyang titser, kung hindi lang siya strikto ay paniguaradong maaawa pa ang aking mga kaklase sa kanya, at baka SPONGEBOB na lang ang itawag sa kanya at hindi Squidward.

Sunod ay si Shrek. Ewan ko nga ba kung bakit Shrek, basta ay shrek na ang naging tawag sa kanya. Pero, hindi niya naman kamukha si Shrek. Ano ma-dedescribe ko sa kanya, okay lang din. Mabait siya, sa mga MATATALINO at nasa FIRST SECTION. Pero sa mga hindi, aba'y hindi. Kung hindi ka sikat, malabong mauuna ka sa mga transactions mo. Partida siya.

Kilala mo ba sina Sir Kuto, Maam Laway, Maam Kulangot, Prof. Teletubbies? Malamang hindi, kasi ay inimbento ko lang naman sila. In short, hindi  sila nag-eexist sa mundong ito. Pero, who knows, baka may isang tao akong mapangalanan ng mga nasa itaas. Malay natin. Pero minsan din, iniisip kong tigilan na ang pagsali sa pagtawag sa kanila ng mga ganon. Pero kapag nangyayari, tinitigil ko na din na isipin iyon.

Pero ano nga ba ang pagkakaiba sa palayaw at pangalan? Sige, bigyan kita ng 1 segundo para mag-isip. Ayan, tapos na.

Sa tingin ko, napaka-importante na pangalan. At ang palyaw mo naman ang mag-didikta kung anong klaseng tao ka. Kasi, hindi ka naman tatawagin na Baboy kung payatot ka, o kahit na tawagin na squidward kung kamukha mo naman si Suneyo. At ang palayaw na iyan ang siyang tatatak sa iyo hanggang sa ikaw ang lumaki. Kahit siguro magbago ka, at least meron pa rin ka pa ring trademark. Ang nakakatuwa lang sa mga ganitong tag-name, minsan sa kanila nagbabago. Maaring gumanda ang pangit, maging sexy ang mataba, at maging Gerald Anderson, ang squidward.

Pero ang pangalan? nasa pangalan kung anong klaseng tao ka. Kung mabuti ka man o masama, pangalan ang damay. Kaya, naapakaimportante na hindi maging marumi ang pangalan. Gaya ng malinis na papel, kapag lagyan mo nang erasure, magmamarka iyan. At makikita mo iyan. Kaya, parating pangalagaan ang pangalan. DAHIL higit sa lahat ng kayaman, iyan ang pinaka-importante. KUNG mamatay ka man, hindi nila iiyakan kung anong meron ka(dahil iba sa kanila natutuwa), kundi sa kung sino ka man.

Kahit ikaw pa siguro ang may pinaka-mabantot na pangalan, bale-wala iyan kung naging mabuti kang tao sa mundo. Afterall, iyan naman talaga ang pangalan mo habang buhay. Sige, humingi ka ng Attorney's Power para mag-change ng pangalann, pero isipin mo na lang ang perwisyo nito.

Bakit? Kasi huhusgahan ka, hindi sa ano ang pangalan mo, kundi sa kung ano ang ginawa mo sa pangalan mo. Kung iningatan mo, o kung binalewala mo lang. Ikaw mismo ang pangalan mo.

Nagtataka ka siguro kung bakit mas nakapagkwento ako ng mas marami sa mga TAG-NAMEs. WALA lang. Trip ko lang. Pero, ang punto ko. Tag-names man o pangalan sa birth certificate, ikaw iyan. Magsumikap ka na hindi na matawag na Ken Bobo, at pangalagaan ang Ken del Rosario na pangalan mo. Diyan iikot ang buhay mo.

1 comment:

  1. hahaha.. naalala ko tuloy nung high school days ko, pag meron kaming pinag uusapan na tao, ginagawan namin code names para di malaman na sya yun..

    ReplyDelete