Bakit kaya baliktad mag-suot ng brief sina Batman at Superman?
Bakit kaya kung saan may Jolibee, malapit lang din ang Chowking?
At nada-digest kaya ang kinakain ng mga manananggal?
Ewan ko kung bakit naiisip ang mga ganitong bagay-bagay? Minsan sa mga naiisip ko non-sense. Kaya sabi ng iilan, non-sense daw ako. Pero okay lang, dahil minsan naman kasi masyado na tayong busy sa pagiging matalino at nalilimutan na natin ang mga simpleng bagay lang.
Nanonood ang mga bata sa amin dito sa aming bahay ng mga palabas gaya ng DORA the Explorer. Blues Clues, Wonder Pets at iba pa. Eto namang mga maagulang ko hinahayaan lang ang bata kasi daw educational.
Episode sa DORA the Explorer:
(Parental Guidance: Gagawin ka nitong Genius dahil magbibilang ka sa tagalog tapos i-tratranslate mo naman sa English)
Dora: Sino ang tatawagin kapag hindi natin alam ang daan? (tapos niyan ay magtatanong siya sa screen)
Ako: Map!!
Dora:hindi ko marinig! Lakasan niyo pa!
Mga Bata: BWISIT NA MAP NA YAN!!!
(tapos noon ay lilitaw ang map, na tila narinig ang mga uto-utong audience. Sabay sayaw at kanta)
later sa episode lalabas ang isang daga na parang adik
DORA: swiper wag kang lalapit, swiper wag kang lalapit.
Episode sa Blues Clues:
Ako: may clue!
Steve: Nakakita kayo ng Clue?
Ako: Tanga! Meron nga, kasasabi ko lang?
Steve: Talaga? Nakakita kayo? Asan ang Clue?
Ako: Nakirinig mo pala ako? Astig pre!
Episode sa Wonder Pets:
(Note: kapag binabasa mo ang sumusunod ay dapat laging may tono)
Lili: ang batang weinder, iligtas natin siya.
Tuck: Iligtas ang reinder!
Mingming: Iligtas ang reinder!!! (mataas na tono)
Ako: Sira-ulo kayo! Nakahithit ba kayo ng DRUGS?
Oo! Siguro ay para talaga akong tanga na pumapatol sa mga ganitong palabas sa TV. Isa sa mga natutunan ko sa aking Marketing1 ay ang market. In short, hindi ako ang target na market ng mga ganitong palabas. Dahil obviously, hindi naman talaga ako bata. Para lang ito sa mga bata para matuto silang magbibilang, bumigkas, sumayaw, kumanta, magla-kwacha, maging OA, at kung ano-ano pang mga bagay. (No choice, wala kasing matinong palabas sa TV).Pero kahit na ganoon, kapag nanonood ako ng mga ganito ay natatawa talaga ako, basta nakakatawa lang.
Pero naisip ko na minsan pala, minsan dapat din nakakanood tayo ng mga ganitong palabas. Kaysa naman palagi na lang sa bawat, pindot ng ON sa TV ay puro na lang oil price hike, government corruption, massacre, patayan, mga balitang problema na iba na problema mo rin.
Tama! Minsan mas maayos din ang maging non-sense kaysa naman sa palagiang pagpapatalino sa sarili na minsan pala hindi mo na nalalaman ang mga simpleng bagay. Ang gusto natin, lahat dapat maayos, lahat dapat successful (na tama namanng prinsipyo). Pero lahat ng maayos at success sa buhay ay nagsisimula sa simple. Kaya bigyang halaga na minsan pala, MAY KATANGAHAN KA.
Dahil minsan sa mga non-sense at may katangahan ay observant.
May classmate ako, tapos noong minsang nasa school bus kami ay na-untog ang ULO niya sa metal bar, sabay sabing “Yes, nauntog ako?” Bakit? Dahil simple lang, HINDI siya ganoon ka gifted sa height. At ang kaklase kong iyon ay isang Dean's lister. Matalino, malalaki ang grades. Pero gayunpaman, natawa ako bigla sa sinabi niya. Doon ko na-realize na hindi sa lahat ng pagkakataon dapat ay palagi tayong malalim, minsan din pala hayaan din natin ang ating mga sarili na maging mababaw.
At doon ko din na-realize na “HEIGHT DOESN'T MATTER.”
Tama nga ang sabi sa isang forwarded text message sa akin,
“x!mpLic8y s b3yuty”
-isang JEJEMON
at ng isa pang message...
“Habang lumalaki ako ay marami na akong realization sa buhay, marami na akong problema, at ang mga sitwasyon ay nagiging mas complicated na. Kaya nga minsan ay hinihiling ko na bumalik ang dati kung saan hindi pa kailangan ng Phytagorean Theorem para ma-solve ang mga problema sa Triangle. At lahat ng sakit ay nagagamot lang ng band aid at kendi.”
No comments:
Post a Comment