Kung pangit ako, eh ano nalang ang tawag sa iyo?
Katatapos lang pala ng First sem. Sembreak na… sa wakas. Pero ang kwento ko ngayon ay tungkol sa isang pangyayari sa eskwelahan ko. Bale, nangyari ito noong pilihan sa Cashier para sa pagbabayad ng tuition fee. Finals na kasi. Wala pa naman akong klase kaya naisipan ko munang tumambay sa benches sa may cashier’s office. May mga nagbabayad pero konti lang, kaya andaming vacant seats. At heto ang nangyari.
NOTE: hindi ako uso-sero at pakialamero. Napansin ko lang. ahahaha..
May isang nagbayad na estudyante. Sa tingin ko hindi siya gwapo pero hindi naman siya ganoon ka-pangit. Nagbayad siya. Hindi sila magkaintindihan ng cashier. Naglabas ang estudyante ng ID, tapos natapos din kalaunan ang cashier. Pero hindi iyon ang punto ng storya. Kasi ang nasabing cashier, nakasimangot. Halatang inis na inis. Pilit ang smile. At salamat, umalis na din ang estudyanteng iyon. Natapos din ang delibyo nila. Siya nga pala, ang mga cashier pala sa school namin ay pawang mga ESTUDYANTE rin.
Kalaunan, isang estudyante naman ang nag-settle ng account. At this time, matipono, at macho-gwapito. Ang nakakatawa pa, hindi rin sila magkaintindihan. At honestly lang, mga 4 ding mga estudyante ang hindi makaintindihan ng cashier na iyon. Hahaha.. napaka-pakialamero ko naman. Ewan ko kung tanga o may pagka-bobo lang talaga ang cashier na iyon. Pero ngayong itong si Mr. Pogi na ang nagbabayad, smile pa din si cashier. Siyempre, dapat lang talaga mag-smile. Pero this time, akalain mong para na siyang modelo ng close-up. Kahit hindi na magkaintindihan, sige lang. Basta, smile lang talaga.
FACIAL DISCRIMINATION. Isang uri din ng diskrimiansyon. Eh bakit pa ba kasi may pinanganak na facially gifted at facially absent. Ayan tuloy hindi na magkandamayaw ang iba sa panghuhusga sa panlabas na anyo ng isang tao. Kasi naman daw, associated na ang pagmumukha sa personalidad. Kung baga, automatic.
FACIAL DISCRIMINATION. Ang daling sabihin na okay lang maging pangit, ang mahalaga ay ang mabuting kalooban. Eh anak ng pating! Ang hirap makita ng kalooban kapag naglalakad ka lang o kaya nag-babayad lang sa cashier’s office.
Eh iyon naman talaga ang buhay diba. Kung hindi ka pangit, gwapo ka. Ang iba, medyo-medyo lang. Pero minsan, ganoon lang din eh. Pag pangit, kahit BNY, nagmumukhang ukay-ukay. Pero pag gwapo kahit ukay-ukay, naku nagmumukhang imported. Wala nman akong galit sa ukay-ukay, dahil may mga damit din akong galing diyan. Isa pa, okay lang yan, kasi mas mahalaga parin ang MABUTING KALOOBAN. Pangit na kung pangit, basta may mabuting kalooban. Pero, kahit ano pang sabihin natin. wala na tayong magagawa. Ganito na daw ang tinatawag nating lipunan.
Ah! Siya nga pala, bumalik uli iyong hindi masyadong ka-gwapohan na estudyante sa cashier. Sana hindi na lang siya bumalik. Hayan tuloy nawala na ang CLOSE-UP smile ng cashier. Sayang, pumangit uli siya. Ehehehe…pero, okay lang na pumangit siya basta…. may MABUTI KALOOBAN pa rin.
No comments:
Post a Comment