Pages

Wednesday, October 19, 2011

Chinese Toddler's Hit and Run Incident

  


     19 ka tao na ang dumaan. O ewan ko nga ba kung tao ang mga iyon, di natin alam. Pero sa mga 19 kataong ewan, nakakainis isipin na titingnan lang nila na duguan. Partida, bata pa iyon ha. Pero, oo nga naman. Malay ba nila na panglima o pang sampu na siyang tao na nakakita sa bata. Ang hirap naman tantyahin kung ika-ilang tao kana na nakakita noon diba?

     Sabi ng mga nabasa kong mga comment, cheap lang daw ang buhay sa China. Mas priority parin daw ang mga lalaki. Sa isang comment na nabasa ko, may isa na daw na insidente nang taong na hit and run, at may tumulong. Dinala sa hospital ang tao. Pero sa kamalasan ng tumulong na tao, siya pa ang napagbintangan. Dahil? Dahil tutulongan daw talaga ng isang may sala ang isang taong kanyang nasagasaan. Konsensiya daw iyon. (ewan ko kung tama ang translation basta ganoon ang thought. Ehehe.. madugong English kasi iyon.)

     Kung sabagay, kung tutulong ka at ikaw pa ang mapapasama, magdadalawang isip ka din siguro. Ang mga ganitong eksena, nakikita ko lang sa DETECTIVE CONAN, na ang criminal ang mismong tumulong sa biktima niya para magmukha siyang mabait. Pero, hindi ko alam, talaga palang nangyayari ito sa totoong buhay.

     Ganito ba kakitid ang utak nila? Kung sabagay, sila naman pala ang mas nakakalaman. Sino ba naman ako? Mag-commento man ako, wala din itong epekto sa kanila. Kasi naman, sisisihin pa din ang kultura, kasi iba ang kultura nila. Lintik na kultura yan! Pati, buhay ng batang walang kamuwang-muwang, damay pa.

     Kung ako din ang nasa sitwasyon, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Kasi for sure, kung dito yan nangyari sa aming lugar, tiyak hindi yan dededmahin. Siguradong pagpyepyestahan yan ng mga tao dito, at maraming tatawag sa pulis, ambulansya o kahit siguro bumbero. At kahit gustuhin ko man na tumulong, wala na. tapos na. may nakauna na. Sorry po, kasi ganito ang aming kultura!





    Kumalat na nga sa internet to. Nag-threading na sa mga networking sites. Maraming naki-simpatya sa nangyari. Kasama na ako doon.


Tuesday, October 18, 2011

MABUTING KALOOBAN

Kung pangit ako, eh ano nalang ang tawag sa iyo?



Katatapos lang pala ng First sem. Sembreak na… sa wakas. Pero ang kwento ko ngayon ay tungkol sa isang pangyayari sa eskwelahan ko. Bale, nangyari ito noong pilihan sa Cashier para sa pagbabayad ng tuition fee. Finals na kasi. Wala pa naman akong klase kaya naisipan ko munang tumambay sa benches sa may cashier’s office. May mga nagbabayad pero konti lang, kaya andaming vacant seats. At heto ang nangyari.

NOTE: hindi ako uso-sero at pakialamero. Napansin ko lang. ahahaha..

May isang nagbayad na estudyante. Sa tingin ko hindi siya gwapo pero hindi naman siya ganoon ka-pangit. Nagbayad siya. Hindi sila magkaintindihan ng cashier. Naglabas ang estudyante ng ID, tapos natapos din kalaunan ang cashier. Pero hindi iyon ang punto ng storya. Kasi ang nasabing cashier, nakasimangot. Halatang inis na inis. Pilit ang smile. At salamat, umalis na din ang estudyanteng iyon. Natapos din ang delibyo nila. Siya nga pala, ang mga cashier pala sa school namin ay pawang mga ESTUDYANTE rin.

            Kalaunan, isang estudyante naman ang nag-settle ng account. At this time, matipono, at macho-gwapito. Ang nakakatawa pa, hindi rin sila magkaintindihan. At honestly lang, mga 4 ding mga estudyante ang hindi makaintindihan ng cashier na iyon. Hahaha.. napaka-pakialamero ko naman. Ewan ko kung tanga o may pagka-bobo lang talaga ang cashier na iyon. Pero ngayong itong si Mr. Pogi na ang nagbabayad, smile pa din si cashier. Siyempre, dapat lang talaga mag-smile. Pero this time, akalain mong para na siyang modelo ng close-up. Kahit hindi na magkaintindihan, sige lang. Basta, smile lang talaga.

            FACIAL DISCRIMINATION. Isang uri din ng diskrimiansyon. Eh bakit pa ba kasi may pinanganak na facially gifted at facially absent. Ayan tuloy hindi na magkandamayaw ang iba sa panghuhusga sa panlabas na anyo ng isang tao. Kasi naman daw, associated na ang pagmumukha sa personalidad. Kung baga, automatic.

            FACIAL DISCRIMINATION. Ang daling sabihin na okay lang maging pangit, ang mahalaga ay ang mabuting kalooban. Eh anak ng pating! Ang hirap makita ng kalooban kapag naglalakad ka lang o kaya nag-babayad lang sa cashier’s office.

            Eh iyon naman talaga ang buhay diba. Kung hindi ka pangit, gwapo ka. Ang iba, medyo-medyo lang. Pero minsan, ganoon lang din eh. Pag pangit, kahit BNY, nagmumukhang ukay-ukay. Pero pag gwapo kahit ukay-ukay, naku nagmumukhang imported. Wala nman akong galit sa ukay-ukay, dahil may mga damit din akong galing diyan. Isa pa, okay lang yan, kasi mas mahalaga parin ang MABUTING KALOOBAN.  Pangit na kung pangit, basta may mabuting kalooban. Pero, kahit ano pang sabihin natin. wala na tayong magagawa. Ganito na daw ang tinatawag nating lipunan.

Ah! Siya nga pala, bumalik uli iyong hindi masyadong ka-gwapohan na estudyante sa cashier. Sana hindi na lang siya bumalik. Hayan tuloy nawala na ang CLOSE-UP smile ng cashier. Sayang, pumangit uli siya. Ehehehe…pero,  okay  lang na pumangit siya basta…. may MABUTI KALOOBAN pa rin.  

Wednesday, October 12, 2011

KAMALASAN



Nakakainis. Excited pa naman akong umuwi para lang tirahin ko iyon.

Isang gabi, pauwi na ako galing sa school. Kasi nasa evening shift ako, kala mo naman isang working student. Pero, hindi iyon ang punto ng aking kwento. Nung umuwi na ako sa bahay, nadatnan ko si Papa nanunuod ng TV.

“May ulam dun sa kaldero” sabi niya.

“K.” Tipid kasi ako sa salita.

“Masarap iyon. Bagong lutong Noodles. Mainit-init pa.”

Kinabahan ako sa mga sinabi niya. Iisa nalang kasi ang noodles dun. At iyon ay Pancit Canton. Ang tanging binili ko kagabi na hindi ko kailanman nakain kagabi.

Hayon na. Natapos na din akong magbihis ng damit.

Dahan-dahan akong pumunta sa kusina para tingnan ang kaldero. Slow-motion ang paligid. Nararamdaman ko na hindi ko magugustuhan ang makikita ko. Ang tenga ko, parang nakakarinig ng vibrations... Mga kaluluwang ligaw na nagpapatakot sa akin.

“Toogsh!!!” sound effects ng kaldero. Pero iyong kaldero pa iyon ng kanin. Hindi iyong sa ulam.

“TOOGSHHH!!” the second time around.

Bigla akong nagulat. Ang PANCIT CANTON na binili ko kagabi, naging SOPAS.. Sa dami-dami ba naman ng kailangan kong sapitin, bakit nilagyan ng sabaw ang PANCIT CANTON. Hindi naman ako madamot, hindi ko lang talaga matanggap sa aking sarili na ang PANCIT CANTON, may sabaw.

“Pa, pancit canton ito. Hindi noddles” sabi ko sa tatay ko.

“ha? Kala ko noodles. Ang sarap pa naman ng sabaw.”

“Hindi po ba kayo nagluto ng iba?”

“Hindi eh. Magluto ka na lang ng iba. May isda sa REF”

Wala talaga akong magawa. Tiningnan ko ang sinapit ng aking PANCIT CANTON. Naaawa ako sa kanyang sinapit. Bakit pa ba kasi kay lupit ng tadhana sa mga bagay na ito. Nakiki-simpatyiya ako sa kanya. Kung makaka-pagsalita lamang ang PANCIT CANTON. Kung makakapagsalita lang talaga siya. At kung makakapagsalita siya, siguro ay …. tatakbo ako. PANCIT CANTON na nagsasalita? Naku! Isang delibyo. Magugunaw na siguro ang mundo.

RIP: PANCIT CANTON

Kaya hayon, kinain ko nalang. Gutom na din ako eh.

Monday, July 4, 2011

All About Myself

No doubt. This is my autobiography. Of course!

Although I'm not that kind of old to look, but I'm already 19 years old. Sometimes, I was misunderstood of being a high school student. I lived far from downtown, It will took me an hour to go to school, and maybe that's the reason why I always wanted to search a room, but couldn't find any.

Oftentimes, I sit at the back not because I can’t really see in front (that's a reason as well), but because I want also to be the first to get out of the room. A teacher had told me before that not all the times, smart students are in front of the room, some they are located at the back. So don't underestimate them. That's why; I always want to stay at the back to be regarded as one. Simple. If you want to be misunderstood as a smart being, then act like one. And see, who you could deceive.

What else? Physically, I'm. Thin. Although I could eat what I want, I can't go any massive. My mother would often say that I was not in my mass at my age bracket, compare to other men. Sad to say, I was born with a weak heart. Well, I don't really care that much. I don't really care about what I look in front of the people. Compare to my elder sister and brother, I had the least gene in terms of physical appearance, but compared to them I'm the most intelligent (self-proclaim).I don't really care much about what life brings me. I just go with the flow. After all, I’m still young.

One thing, I like to listen to music. My headset is always with me, when I go around. I like to listen to music, but sad to say music doesn't like me. I'm a frustrated singer, and instrumentalist. One instrument that I had played ever since was TAMBOURINE. So sad!

When I was kindergarten, I learned to draw a stick man. If you don't know, here's how.


The first thing you will do is to draw a circle. Make sure it’s a circle not an oblong, because psychologists say that you are what you are drawing. So, make sure to make it nicer.



Next is to draw a vertical line. From the vertical line, make 2 slant lines, one to the left and one to the right. Make sure it’s a straight line.








Same as it goes to the tip of the bottom of the vertical line.


Guess what! You made a wonderful art. Why do you think I told you this? The reason?

Well, that's nothing. I just want to waste your time.

I'm intelligent. I just don't know why! I always proclaim that I'm intelligent, and my classmates before will just laugh at me. It’s a self-proclaim genuine. In my previous school, I had a Filipino teacher. And I like to annoy her. One time, while she was discussing her boring lesson, she caught me sleeping. I just realized that she called upon me, and I didn't recognize because I was in the dreamland. My seatmate had kicked me in my legs, and my teacher had called me again. For sure I’ll be having a hard time listening to her, so what I did: I still close my eyes and do a sign of the cross, after which, I told her, “Ma’am, I'm PRAYING”. My classmates had laughed at me, and my teacher didn't say anything. That's the power of my intelligence. At the end of the semester, my classmate told me that Ma’am Filipino said that I was good. Well, sorry Ma’am. I won.

Study? I'm not really studying that much, because as what I've said I'm intelligent. Take a look at this.

Study = no fail
Fail = no study

This is the reason why I usually don't study much.

I'm taking up Bachelor of Science in Accountancy. This course was chosen by my mother, because when I'm enrolling to college, I can't give her any course I like. Later on, I realized I like Architecture, but it's too late already. Come to think of it! I already spent three years of my college life, but I'm still a first year student. That's how funny life is.

I'm a headache to my family, although not that much. My mother would always say “Bright man ka ba! Di lang gyud ka mag-study!”. I wanted to say “Mao ganing dili mag-study kay Bright man diba?!”, but I couldn't. I'm afraid of the broomstick.

I'm acting as if I'm still younger than my age. I like to watch cartoon. And play computer games. But not that much of those, because most of the time, I'm alone at my room; SLEEPING! I like to sleep most of the time.

Some teachers are searching for the best student they can have. Students who could be the one who could termed as the best. Okay! Let them be. But believe or not, I'm also searching for the best teacher I can have. Although I'm not in the position to find one, I'm still looking forward to it. I thought I was starting to realize it from the previous university I had, but sad to say I didn't make it. And now, I'm still searching, hoping that I could meet him/her before I graduate; a teacher that could give pointers in the exam, same as pointers in life.

I’m not old enough to tell so much about life. I still need to act, like what I need to act at my stage. I don’t want to act as mature as 30 years old, or as childish as a grade schooler. But for me, life is always a matter of chances. You live; you learn. You fail; you learn. You choose to learn. Failing is not the same thing as giving up. Stand! You stand after sitting your armchair. You stand after waking up from your bed as well. So there's no reason for you not to know how to stand when you fell. Based on what I had learned in the internet, life is not a final exam that you need to answer it with TRUE or FALSE, Multiple choice, or Fill in the Blanks. Life is an essay. Erasures are always allowed.

Wednesday, June 22, 2011

Ermat Kong Nasa Bahay


Before reading this, I want you to realize first that my mother is a woman. That’s all.

My concept of a mother was just simple; simpler as you are, a woman: the one who prepares meal and takes care of the house, the one whom fathers are hugging every night, and the one that breastfeeds their child, and often times, their husbands.

When I was a child, and obviously I was, I never remembered my parents, well that includes my mother, taught me about my assignments nor projects. I got my own grade with my own perseverance, and never depend on any one.

Perseverance. My mother taught me that you can’t rely on anything, something, or anybody. Standing in your own feet is a necessity. In life, you are the driver. You have a car to drive on your own. And when you crashed your vehicle, you had no one to blame but yourself. And when you get to where your destination is, you had the credits.

My mother as well taught me that when the world doesn’t care, it really doesn’t. So when you’re not good on something, then excel in another thing.

Excellence. She taught me that excellence is neither inheritance nor instant. It’s an attitude. Failure means failing, but not giving-up. They are different. Giving-up doesn’t give any chance of rising again and excel, not like failing. Therefore, whatever things that happen in your life, you have the obligation to excel. It’s a must.

Later on, I realized that life is unfair. My mother usually shouts at me when I went on watching Power Rangers, Dragon Ballz, HunterxHunter, and so on and so forth, saying that those stuffs doesn’t have anything to improve at me. So be realistic.

Realistic. She taught me to be realistic. Life is crucial, yet more crucial when you grow old. Living in a false fantasy is not necessary, because the world is genuine. It’s true. Life is not always a happy ending like what we often see on television. And superpower like kagibushin technique doesn’t exist in order to solve your problems. Be abrupt! So, don’t live up a life in accordance on what you see on other. They have their own writers to altercate the story; you can as well on to your life.

I thanked my mother for giving me allowance.

I thanked my mother for scolding me up when I woke up late. She’s my alarm clock, that when she starts shouting, I know it’s already 10.30 am.

I thanked my mother for being ignorant. She doesn’t really know I have low grades in my subjects.

I thanked my mother for shouting me when I do go wrong. Now I know she’s not mute; she can speak.

But I think I can’t thank them for my intelligence. After all, I think they lack brains, (not to mention because I know they can’t read this). Living the fact, that I sometimes taught I wasn’t really their son, and I’m adopted.

I know that I am a headache and a trouble to them, but I wish to enjoy them.
Now after you read this, throw it if you like. I don’t really care. I have my own copy at my flash drive.

(eh kasi, paggawa-gawa pa daw kami nang paragraph about sa nanay, hayan tuloy! ahahahaa.. Ma, Peace!!! Ganito kita ka-mahal.. Nyaks!!! Dahil tayo naman po ay may GUT-LEVEL REALTIONSHIP.. hehehe..)

Monday, April 18, 2011

Pedrong Tanga


Im pissed off. ahahaha..
Basahin ang sumusunod at sabihin alin ang mga nakakainis na sitwasyon.

Situation A

Alas-dose ng tanghali sa may carenderia, umupo ako at namili ako ng mga ulam,
ang tanong ng tindera:
 “KAKAIN PO KAYO SIR?”...
(hay madam! Hindi pa ba ako kakain kung nakaupo na ako at namimili ng ulam?) joke!

Situation B

Kasabay ko ang kaklase ko sa English, si Classmate C, papuntang praktis sa presentation namin.
Ang tanong ng lider ng grupo pagdating namin:
“Dalawa lang kayo?”
(sige nga Miss, ako at siya. Isa, dalawa: Magtatanong ka pa ba kung dalawa kami? Ilan pala ang bilang mo?)

Situation C

Nanonood kami ng pamangkin ko nang DVD, pero na bad-trip ako kasi pangit pala ang palabas kaya sinabi ko na lang sa kanya, “I-off mo lang pagkatapos ha?”
Ang tanong ng pamangkin ko:
“Off ko lang?”
(hindi, i-on mo na lang hanggang sumabog. Kasasabi ngang i-off pagkatapos diba?)

Situation D

Nagpadeliver si Mama ng Gasul, at sinabihan niya si Papa na ipasok sa loob ng bahay, at i-install.
Ang tanong ni erpat:
“Doon sa loob?”
Ang sagot ni Mama:
“sa kalsada na lang kaya, kasi doon ang loob ng bahay natin. Sa loob sabi ko diba? Subukan mo ngang ipasok sa labas?'
At hindi na ako naka-alma pa, kasi nakakatawa!

So ngayon, saan ang mas nakakainis na mga sitwasyon?

Ano ito? Mga obvious na mga bagay, na may obvious ding sagot. Pero minsan din, baka ganito din ako, hindi ko lang namamalayan. Ngayon ganito: Normal na ba talaga ang mga ganitong bagay? Normal na ba talaga na itanong pa ang mga obvious na mga bagay? Maaring oo, maari rin sigurong hindi. Depende sa inyo.

Pero, obvious na nga ba diba? Ibig ba sabihin nito na masyado tayong abala na sa mga bagay-bagay na mas importante pa kaya minsan nakakaligtaan na natin na may mga bagay na nasa harap na at hindi pa makita-kita? Anong tawag dito, “naging tanga” o “pinili na maging tanga”? Which is which?

Ano ito? Hindi ko alam. Natural, kaya nga nagtatanong ako. Kung ako man ay naging ganito, aba, hindi na iyon kataka-taka. Kasi may katangahan ako eh. At for sure, hindi ko pipiliin na maging tanga. 
Ano kaya sa tingin mo?

Tuesday, April 5, 2011

Kailangan Mong Marining Ito! KAILANGAN TALAGA!


Please lang, kailangan niyong marinig ang kantang ito.
Kung hindi niyo ito maririning, you will miss half of your life. (joke!)



Ngayon? Anong masasabi niyo sa kantang ito? Maganda? Pangit?

Hindi ko pa rin maisip hanggang ngayon, ang dahilan kung bakit maraming tao ang may-ayaw ng kantang ito. Isa lang naman itong kanta... kantang tumatalakay sa kung anong gustong manyari ng may gawa nito.

Irritating? Pucha! Ano ba ito? Kati? Kung irritating ba kamo, ay bakit nagkaroon ng maraming views ang kantang ito at buhay na buhay ang YOUTUBE, sa kantang ito. Biruin mo, page palang, may mga comments na 2 seconds ago? Kung irritating ba kamo, ay huwag na lang kayong makinig. ULOL!

Yesterday was Thursday
Today is Friday
Tomorrow is Saturday
And Sunday comes afterwards.

Ano bang mali doon? Tama din naman diba. Matakot ka kung nasabi niyang Today is Monday, and tomorrow is Monday still.

At kung ulit-ulitin man niyang kantahin ang FRIDAY, wala na tayong pakialam doon.

Ako? Anong masasabi ko? Nakakatawa! Hilarious! So-Joking, sabi nga ng mga tao dito sa bahay namin. Ewan ko kung bakit so-joking.

Para sa akin, okay na din pantanggal ng suya. Mula sa boring mong araw, mas maganda pa ring makarinig ng mga magangandang bagay(that includes nakakatawa!), kesa naman sa parating pag-uwi mo sa bahay, makakarinig ka na naman ng mga balita sa TV na puro patayan..


At kung ganoon nga, kailangan pa  ba talagang ipagkalat sa mundo na ganito ka ****** ang kantang ito. Bakit, kasi ang ibang mga tao, nagkakaroon ng feeling of superiority? Kasi pangit daw ang pagkagawa kaya iniisip ng iba na ganito kababaw, at ang sila naman ay matataas? Well, wala na akong magagawa sa ganyang aspect, kasi nga, may kanya-kanya tayong opinyon. Opinyon na minsan, wala namang ka-kwenta-kwenta sa pagsasalita ng HARSH WORDS, para masabing “im cool”.

Pero paki niyo, paki-ko, at paki natin... Inggit lang ang iba kasi siya, sikat. ang iba, pasikat... comment-comment na lang daw ng mga di kaaya—ayang salita, akala mo naman kung sinong magandang kumanta. Para sa akin? Buti pa siya, maganda ang video, naka-HD pa nga. Mayaman!!!

At tama siya! Na-sapul niya! Excited naman talaga halos lahat tayo kapag Friday diba? Kasi, halos patapos na din isang linggong trabaho o pag-aaral. bakit? May trabaho bang sa Wednesday ang last day ng weekdays? Buti pa siya, alam niya!

Kaya sa inyo, magpasalamat kayo. Dahil kung hindi dahil dito, malamang ay naka-tali pa rin tayo sa mga kantang hapon, intsik, o koreano na ewan ko ba kung naiintindihan ng iba. Kasi para sa akin, HINDI TALAGA!!!  Buti pa ito, at least naiintindihan ko.

Hindi naman ganito ka pangit ang video. Siguro, naunahan lang ang iba sa pag-iisip na ito ay pangit, kasi nga sabi ng iba. Kaya naman ay nakikiayon na lang,Para hindi matawag na KJ. pero  in the whole. Maganda. Maganda siya. Maganda si Rebecca. Ahahahaha..

Ikaw? Ano sa tingin mo?

Tuesday, March 29, 2011

Mamamatay na ba Tayo?


2012? Anong petsa na nga ba ngayon? 


Maraming balita-balita ngayon na malapit na daw ang katapusan ng mundo. Mula noong World Trade center attack sa amerika, at pati ngayong bagong-bago pa na Tsunami sa Japan. Minsan nga , naisip ko na siguro tama din ang sabi ng iilan. “Great Civilizations would fall.” 


Sige nga, sabihin na natin meron talagang mga tao na may kakayahang basahin ang mga hinaharap ng sangkatauhan. 



Ayon sa kalendaryo ng mga mayans, magtatapos daw ang  cycle ng mundo sa Buwan ng Disyembre taong 2012 (of course alam niyo na yan!). Dahil sa kadahilanang wala na daw natalang araw pagkatapos ng DEC. 21, 2012. Sige. Iyon ang sabi nila! 


Meron namang isang tao, na itago nadin natin sa pangalang NOSTRADAMUS, isang French, na sikat daw dahil sa koleksiyon niya ng mga propesiya. Nagkakatotoo ito. Hinulaan lang naman niya na magkakaroon ng French Revolution. Siya rin ang humula sa World war II, pati na kay HITLER. (see youself)


Meron din nagsasabi na lahat dawn a nangyayari sa ating mundo ay gawa daw ng mga di-kilala at tagong organization. Ang Illuminati. Naglalayong magkaroon ng bagong mundo, na sila ang hari. Take note, kasali daw si Pacquiao, sa Illuminati. Kahibangan! 


Ang barahang ito ay nagawa noong mga 90’s. Base sa Illuminati. 

para, mas maintindihan, click lang...

 Kung makikita mo sa baraha… kapareha masyado ang mga orasan sa baraha at sa Tokyo. Mismong oras na nagkaroon daw ng lindol sa Japan. Aba’y weird nga. 


Ikaw, naniniwala ka ba na malapit na nga ang magunaw ang mundo? Ako… hindi ko alam. Pero wag naman sana agad. 


Ano ba? Talaga nga bang totoo ito? O sadya lamang nasabi lang sa atin, at tayo naman ay naniniwala. Maraming natakot noong una na magugunaw na daw ang mundo sa 2000(Y2K). At sinabihan daw kami na maghanda sa delibyong darating. Pero? Nagkatotoo ba? Nagunaw ba? Hindi naman eh. Bagkus, andito pa tayo, buhay na buhay. 


Pero, kahit ayaw man nating sabihin, meron at meron paring END of the WORLD. Lahat dito sa atin ay mawawala. Ang tanong lang, kalian ba? Sabi nang isang kakilala ko, Andito  daw sa mundo ang lahat ng worldly happiness. Pero nasa kabila daw ang joy at peace.


Ikaw? Handa ka na ba sa pag-gunaw ng mundo? Handa ka na bang mawala sa mundong ito? Kung totoo man ito? Paano mo gagamitin ang isa pang taon at ilang buwan na nalalabi? Anong mga ala-ala ang babaunin mo sa kabilang buhay? 


Pero, huwag ka nang mag-alala. Kasi… 


Alam kung darating sina Naruto, at ang mga Hokage. Para iligtas tayo. Nakaplano na daw sila nina BATMAN, SUPERMAN, at ang iba pang Justice League para sa ating kaligtasan. Meron na daw nakitang malilipatan sina San Goku, Vegeta, at Trunks para makaiwas tayo sa gulo. Ang Power rangers na daw ang naka-toka sa lahat ng ating kakainin, at sasamahan na daw sila nila ng mga Powerpuff Girls, para may mag-alaga na daw. ang mukhang adik na si Orichimaru ay magpapakabait na para wala na daw rice shortage.  Siya ang magtitinda. 

Pero sabi nila, ngayon palang, maghanda na. Paniguradong, magkakaroon ng tag-gutom sa mga panahong iyon, kaya siguraduhing ngayon ay kumain na ng mabuti. Ako nga, doble na ang kinakain ko. Wala na ding kuryente for sure, kaya i-charge mo na ang mga gadgets mo. Kapag mag-te-text, isaksak na lang ang CP, habang ginagamit. Tingnan natin kung kaninong CP ang di sasabog. Manood na din ng mga paborito mong palabas, movie, anime, porno, o kahit mga lang kwenta, at least bago ka namatay na-enjoy mo diba? 


At kahit makikita ka ng  bumabagask-bagsak apoy mula sa langit, samahan pa ng malakihang bulalas ng alon sa mga dagat, Magnitude 20 na earthquake, iyong tipong mahihilo ka na, at sabay-sabay na volcanic eruptions at lava outflow, ay paniguradong, hindi okay pero partly okay na rin kasi at least, naging Masaya ka sa buhay mo, dahil nagawa mo ang mga nais mo. 


Easy lang, kung totoo man ang ganitong bagay. Hayaan nalang natin. andyan na yan. Ang gawin na lang natin ay gawin ang mga bagay gusto nating gawin. Live life at fullest. Todo mo na. Para sa huli, wala kang pagsisihan .

Hmmm.. Teka, anong petsa na nga ba?

Monday, March 28, 2011

The New Philippine Money


Aba naman oo! Nagbago na pala ang ating peso bills? Nakita ko kasi itong mga kakilala ko na may mga 20php na bago sa kanilang pitaka. Take note, 20 pesos iyon, pero ayaw parin gastahin. Ewan ko sa kanila. last year pa ito, pero ngayon ko lang nalaman na meron pala. Siguro, ay napag-iwanan na talaga ako ng bagong henerasyon.

Langhiya! Ganito na ba ang Pilipinas ngayon? Pabago-bago na nang pera, kasi may bagong Pangulo? Eh diba? May bago ding pera noong bagong pangulo pa ang ating mahal na dating pangulo na ngayon ay isa nang marangal na Congresista?  Aba, sana naman ay maging pangulo na din ako, para mag-papagawa din ako ng mga bagong pera.


Pansinin natin ang mga bagong pera ngayon?



Ang Bagong bills natin! Mas matingkad! Mas Maganda! Nanguha pa talaga ng Picture sa mga baul-baul
Ang dating peso bills. Salamat sa mga illustrator sa pag-dra-drawing nila ng mga mukha.


Iyong 20php Bill, mas nagging orange ata. Ewan ko kung orange ba siya talaga kasi colorblind din ako eh. Mas naging swabe si Manuel L. Quezon. Mas bata siya dito, kumpara noong una na parang dri-nawing lang. Ngayon parang galling sa baul na picture.


Ewan ko ba, o kung ako lang ang nakaka-pansin pero parang pumayat yata si Sergio S. Osmeña. At oo, naging bata din sa 50php Bill. Take note, nawala ang mga white hair niya. Baka, nagpa-tina ng buhok.


Sa 100php bill, parang sumaya ng kaunti si Manuel Roxas?


Sa 200 bill ay parang nag-front view ng kaunti si Diosdado Macapagal. Kasi parang dati naka-side view siya ng kaunti eh. At tama ata, mas naging chickboy siya tingnan. Sa likod, lumiit si Gloria. Kawawa naman, niliitan pa. Napalitan tuloy siya ng maliit na tarsier. uso siguro ang maliit sa likod ng 200php Bill.


Obviously, sa 500 peso bill hindi na tinamad si Ninoy Aquino. Naging masayahin na siya, siguro dahil  kasali na sa picture frame ang kanyang asawa. Lupet!

Sa 1000peso bill? Nag-iba ng kaunti ang mukha ni Brigadier General Vicente P. Lim. Parang nagging masyahin  din ng kaunti.

Naku, nagbago na nga ang pera ng Pilipinas. Naalala ko pa, meron iyong coin na hugis bulaklak. Tapos meron din iyong coin na kulay pale silver na maliit tapos sa likod ay may naka-ukit na maliit na isda. Siguro dilis. Iyong piso noong una, hindi bundok  o araw ang nakaukit sa likuran. Kundi kaladaw. Wala na din iyong 10php bill na sa likod nito, may isang simbahan at may pusa sa bubong nito.


Oo, siguro nga, nag-iba na ang pera ng Pilipinas.Tanong? Nagbago din ba ang pilipinas?

Kung hindi ang sagot mo. Tanga ka! Aba, noong una,hindi masyadong industrialized ang Pilipinas. Pero ngayon ,meron ng mga malakihang buildings. Mga mas maayos na daan. Iyon nga lang sapat naba ang ganitong industriyalisasyon para mabawasan ang mga naghihirap na mamamayan? Ang tanong ulit! Nagbago ba ang pamamalakad sa Pilipinas? Ang gobyerno?
Kung ganyan ang tanong, aba’y di ko na alam ang isasagot! Dito, mahirap magsalita kasi hindi mo alam, baka bukas bangkay ka na.

Ang pera natin ngayon? Maganda! Lupet ng pag-kaka-lay-out. At halatang pinag-isipan o kaya naman ni-rsearch talaga. Kaya naman pala, hindi magasta-gasta ng kakilala ko ang perang iyon. Sayang lang, at ang mga magagandang perang ito, napupunta lamang sa maruruming bulsa ng mga taong walang alam sa kung anong maganda: magandang ugali. Ay hindi pala, mali pala ako, alam pala nila ang maganda. Kaya siguro napalitan ng mas magagandang pera, para may konting design iyong koleksiyon nila ng pera.

Sayang talaga. Sayang.



Ito ang malupet! Talagang hahanapan talaga ng panukli sa PERANG ito.
Sana, balang araw maging Presidente din ako, at gagawa ako ng sariling Philippine peso bill. Ito, ang desinyo.





 Mas okey na din ito. Color-GREEN. To promote... PEACE!!! peace men!

Sunday, March 27, 2011

Ph.D Ka na Ba?


Aba'y kung graduation lang din naman ang pag-uusapan, huwag nating ipagkaila ang puntong, meron ding mga estudyanteng muntikan-pero. Muntikan nang grumad-weyt pero hindi rin.

Oo nga... Naiintindihan ko ang sitwasyong ito, kasi in the first place. Nakaka-relate ako. At sa totoo lang, parang routine na din sa akin ang ganitong sitwasyon. Pero, di bale kasi hindi lang naman ako ang naka-experience niyan for sure.

Ganito, kasalanan ba ng mga taong bumagsak na bumagsak sila sa isang subject? Sino bang tanga ang nangangarap na sana, bumagsak siya para pagalitan ng magulang. Sa totoo lang wala, at kung meron man ay malamang may toyo ang utak. Ulol in short.

Aber kung nabagsak ang isang tao? Sino dapat ang sisihin?

Sisihin kaya natin ang utak, iyong tipong lahat ng brain cells mo, paparatangan mong hindi gumagawa ng kanilang mga gawain sa utak. Siguro hindi rin. Kasalanan ba ng utak natin na mukha na siyang monggo sa liit. Kasalanan ba ng utak na noong developmental stage pa lang nito ay nilaan na para maging ganoon lang dapat. Afterall, huwag ka dapat mag-reklamo sa mga brain cells mo sa kadahilanang hindi sila nagtratrabaho ng maayos, remember hindi mo naman sila sinusweldohan! Baka mag-strike sila, at magkaroon ka ng brain freeze. Baka, freeze to death ka na rin.

Kung hindi ang utak, aba'y sisihin mo na alang ang sarili mo. Tutal, sisihan lang man din; sisihin mo lang naman ang sarili mo mga ilang minuto o oras, diba? pinakamatagal na ang mga araw... At babalik ka din sa dati. for sure. In fact, diba sinisisi ka din ng nanay o tatay mo kapag nabagsak ka diba? Sinisi nila ang sarili mo. Sad to say kasi, endagered species na ang mga magulang na open-minded, dahil parang simula pa lang nang human history, di na sila ganoon masyado karami. Pero, wala akong paki-alam diyan. Basta ako, sasabihan ko lang nanay ko, “Ma, huwag mong sasabihing bobo ako, kasi sa inyo ako lumaki. Baka kwestiyunin nila kung saan ako nagmana, mahirap na!”

At dahil diyan, sisihin mo na din pati ermat at erpat mo. Isumbat mo sa kanila noong gumawa sila ng project at experiment para gawin ang isang tao(obviously ikaw) ay nakalimutan nilang lagyan ka nang mas marami pang mussle, tissue o cells ba, para malagay sa iyong utak, na kahit ilang PROMIL o WYETH ang tirahin at laklakin mo araw-tanghali-gabi-midnight-snack, ay hindi ka pa rin ga-graduate sa dahilang may lagpak kang subject. At kung sabihin man nilang, “Kinaya ko kaya yan noong una, bakit ikaw hindi”, abay sabihin mo sa kanila, “aba ma, Noong una, hindi pinag-aaralan ang composition ng type-writer, ngayon pinag-aaralan na ang composition, ng computer. advance na ang generation ngayon, mas mataas na ang learning compare sa inyo.” tingan natin kung sinong hindi mapalo.

TIPS para sabihin sa magulang para hindi ka masyadong pagagalitan na bagsak ka,,at hindi ka ga-graduate ngayon:

1)      Magpakaawa ka, iyong tipong sinisisi mo daw ang iyong sarili dahil bumagsak ka. Sabihin mong, “Ma, Pa, I was a disgrace of this family... Nahihiya ako sa inyo. Di niyo ba napapansin, nag-seself-pity ako!” Drama lang katapat, para kaawan ka nila.
2)      Takpan na lang nang mas matinding kasalanan , para hindi mahalata masyado. Gaya nito, “ma, nakagawa ako ng matinding kasalanan, bukod sa nabagsak ako at hindi ga-graduate ngayong taon, ay nakabuntis din po ako.” In this case, hindi nila ma-i-i-focus ang attention nila sa bagsak mong subject.
3)      Cheer up! Ngumiti ka lang , at sabihin mong, “ Ma, Pa, hindi ako ga-graduate ngayong taon na ito. Pero okay na ako ngayon ma, Naka-get-over na ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin, thanks for the comfort.”

nakakainis. Sobrang bad-trip nito. Noong una, habang naglalakad ako sa kalye para mag-isip-isip dahil sa nabagsak ako, abay langhiya.. may isang tindero ang sumigaw. "dito na kayo! BAG-SAK presyo!" aba.. inimphasize pa talaga niya ang salitang BAGSAK. Nakakainis. 

Sa totoo lang ano, napakahirap talagang mabagsak. Dahil, in the first place, hindi naman kaibigan, magulang, classmate, pet sa bahay, landlord o tindera ng yosi sa kanto ang nag-aaral para sa kapalaran na bagsak. Bakit, sila ba ang nagpapakahirap mangopya sa katabi? Sila ba ang na-no-nosebleed sa exam room? Hindi naman diba? Ikaw iyon, ako. Tayo! Hindi madali mag-isip ng strategy o mas magandang intro sa iyong explanation para lang sabihin sa magulang mo, “Nay, tay, Bagsak ako!” Mahirap iyon. Kung alam mo lang.

Talunan? Sige sabihin na nating talunan. Bakit? Kasi hindi maka-graduate? Kasi walang awards, medal, ribbon, plake, trophy, gift certificate o kung ano-ano pang items na maipagmamalaki. Aba, kaya mo din bumili na mga ganyan, mura lang sa Chinatown, 12 pesos ang medal, 15 pesos iyong mas maganda-ganda ng konti. Kung gusto mo pa, pakyawin mo GOLD, SILVER, BRONZE, isali mo na din pati ALUMINUM, GRAPHITE, DIAMOND, o kung ano-ano pa.

Yeah! tama, alam ko, hindi ako bobo. hindi naman sa medal iyan, nasa kung ano ang sinisimbolo ng mga medalyang iyon.

Pero, hindi talunan ang mga taong bumagsak. Para sa akin hindi, ang talunan lamang ay ang mga taong sumusuko. Wala nang mas talunan pa sa taong sumusuko sa laban kaysa sa taong andyan pa rin para lumaban.

Sa aking pananaw kasi, kapag ang isang tao ay  hindi maka-graduate-graduate, huhusgahan agad-agad ng tarantado, sira-ulo, iresponsable. okay lang matawag ng ganyan. Nasanay na din ako sa konseptong ganyan. Pero, para sa akin, “Tama! Ganyan ako, at pasalamat kayo. Dahil kung nagsipag lang talaga ako, baka ako na ang pumakyaw ng mga mga award ninyo!” LOL! Pang-fighting spirit lang..

Hindi ako BOBO, tinamad lang ako. At kahit tinamad ako, CUTE pa rin ako.

Di baleng, mag-pi-PH-D na sa skwelahan. O kung baga ay mas malala pa  sa isang Medical Student sa nag-aral ng mga 10 taon. Basta maka-graduate, iyon na. Todo mo na. Ibig lang sabihin, favorite mo lang talaga ang isang subject, at gusto mo itong balik-balikan, diba? Tama?

Para sa mga pahinga—muna-at-see-you-next-enrollment students, okay lang iyan. Sige lang sa buhay. Sabi nga ng isang hindi katalinuhang nilalang sa mundo, “In the end, its gonna be alright, if its not alright, then it's not yet the end.”

Gra-dwyet na si Butsing


Sa totoo lang, kung hindi mo pa alam kung anong buwan na ngayon... MARCH na!

Kaya, happy  Graduation day sa studyanteng ga-graduate ngayong taon na ito. Congratz sa inyo mga Toodlers at Kindergarten (kung nababasa niyo ito) Elementary, Highschool, College, Masters, Doctoral, TESDA, o kung ano pa man iyan basta sa ngalan na ga-graduate ka, congratz, graduate ka na sa pangongopya (tamaan huwag magalit). Special mention na din sa mga Octoberian, yes. Isang sem na hinintay at naging tambay, ngayon... graduation na.

Kaysarap din ano na ga-garduate ka, iyong tipong sa wakas lahat ng units mo, makuha mo na. Kahit na wala lang, garduate ka lang, walang awards, abay masasabi kong achievement na rin na  nakatapos ka sa lahat ng mga pinag-gagawa mo sa iyong buhay.

Pero sabi nga nila, lalong-lalo na nang mga mahal nating mga guro na “LEARNING is not an ending process. It continues outside the real world”. Kaya habang naiisip ko, Hay naku, ano ba, study na naman ba talaga? Aba'y suko na ako diyan. Walang humpay na pag-aaral, buti sana kung allowed pa ang kodigo.  At tsaka, “maam, hindi po ba real world ang paaralan? Fake world po ba ito?”

Graduate1: Pre, may award ka ba?
Graduate2: Wala eh, kaw pre?
Graduate1: Pareho pala tayo. Pero bakit 2 ribbon mo?
Graduate2: Kinuha ko kasi sa aking Ermat. Hayan, may Graduate, may Parent!
Graduate1: Astig pre!

Naiisip ko din, talaga nga bang maaaply natin ang mga natutunan natin sa school sa totoong trabaho natin. Example, PE. Na kumpleto mula PE1-PE4. 2 units lang pero, walang graduation na magaganap, kung hindi naipasa. Huwag na huwag mo sanang sasabihin sa akin na kapag graduate ka ng B.S. Tourism, ay bigla kang mag-sasayaw ng TANGO at CHA-CHA habang nag-propromote ng Philippine Culture, abay hindi naman ata tama iyon.

Eh kung gradute ka naman ng AB MassCom, abay for sure nadaanan mo ang SpeechCommunication. Kung saan malaman mo na meron palang receiver, sender, channel, at kung ano-ano pang mga bagay na may kinalaman sa Speech. Huwag mo din sanang sabihin na kapag may nagtanong sayo ay sasabihin mong, “Sir, considering that you are the receiver of my message and me as a sender, the toilet was just beside this room,” Hayaan niyo sanang maghiram ako ng expression, “LOL!”

Pero di na importante yan, basta graduate na. Kaya parating susundin ang mga pamahiin ng mga magulang natin na nasabi din ng aking inay noong dati, “huwag ka muna sanang maglalabas ng bahay dahil, lapitin ka sa digrasya kasi graduation na”. Ewan ko kung bakit nila nasabi iyon pero wala namang mangyayaring masama kung susundin na lang. Afterall, most of us, kung di rin dahil sa kanila ay hindi ka rin ga-graduate.

Graduation, kaysarap kunin ang diploma sa stage, bunga ng iyong pagtyayaga, bunga ng iyong pagpapagod, bunga ng iyong sakrispisyo at bunga din ng mangga. Basta, trip ko lang isali ang mangga. Pero seriously, walang humapay na kasiyahan ang maka-graduate ng mga isang kurso, lalong-lalo na sa isang sibilisadong pamayanan na mas may tsansang makamit ang mga pangarap sa buhay kung may diploma ka at nagamit din ito sa tamang paraan.

Kung may hahadlang pa sayo, abay, basagin mo nang mukha, at sabihin mong “BASAG TRIP KA!” Langhiya!

Di baleng, reconsider, pasang-awa, o kahit bunga lang ito ng pagluhod sa Dean para lang talaga masama sa Graduate's List, ang importante... Graduate ka na. At ang buhay ay hindi nagtatapos sa isang seremonya kundi nag-uumpisa pa lang sa panibagong pahina ng iyong libro.

Happy Graduation. Lechon na! Magpatumba na nang baka!

Friday, March 4, 2011

Tawagin Mo Na Lang Siyang _____ !


Sa isang Kindergarten Class:

Teacher: Okay Dear, what is your name?
Student: Hi classmates, hello friends. My name is Ray John Albert Seth Paolino Benedict L. Sy.

Middle of the school year...

Student1: Kilala mo ba si  Ray John Albert Seth Paolino Benedict L. Sy?
Student2: Huh? Hindi eh? Sino ba siya?
Student94723: Si Singkit!
Al together: Ahh...

Tama! Isa-isa sa atin ay may kaniya-kaniyang mga tag-name. Mga PALAYAW! Oo, iyong tipong hindi kana tatawagin sa pangalang nakatatak sa iyong birth certificate kundi sa pangalan na gusto itawag sa iyo ng nakakarami. Ikaw? Ano ang palayaw sayo?

Natatawa ako minsan sa mga kaklase ko noong una, kasi ewan ko ba kung saan nila nakukuha ang mga ganoong palayaw. Isa sa kanila ay may pangalang, Reo-odin. At alam mo kung ano palayaw niya? Huwag ka sanang mabastusan at pasintabi na lang pero palayaw niya ay TIT*. Kung medyo grin minded ka ay alam mo kung bakit ganyan ang kanyang palayaw. Kung hindi naman ay, sasabihin ko kung bakit.

May isa din akong classmate na hugis oblong ang kanyang mukha. Gago din iyong kaklase kong iyon at adik-na-adik sa mga laro gaya ng trumpo, lastiko, at iba pang mga bagay na na-uso noon. Kapag sinasabihan siya ng ganyan ay nagagalit siya, pero later on wala na siyang nagawa kundi i-accept na lang ang katotohanan na ganyan na talaga ang kapalaran niya sa piling namin. Kaya naman minsan noong lesson namin sa parts of the brain ay nagulat ang aming teacher.

Teacher: Class what is this?
Class: MEDULLA OBLONGATA!!!
(hahahaha.. LOL....) walang humpay na tawanan ang kumawala sa classroom.
Teacher: Bakit?
Class: Wala Ma'am.
Teacher: Sige nga, again what is this?
Class: MEDULLA OBLONGATA!!!
(at walang humpay na naman na katatawanan ang kumawala sa amin. Itong titser naman namin, ginanahan pa)
teacher: Sige pa nga ulit, what is this?
Class: MEDULLA OBLONGATA!!!
(kahit ulit-ulitin ni Maam, nakakatawa pa rin siya)
Oblong: HEHEHEHEHE. Ako pala iyon?

Sa mga natatandaan ko, eto ang mga palayaw na aking natatandaan sa mga kaklase ko  dati:

_Baboy=obvious na kung bakit
_ Talampakan=kasi mukha niya, parang talampakan sa pagiging wide-spread
_Anus=dahil may second name siya na Kanus. Asset din niya pwet niya.
_Drumstick=kasi hindi siya payatot, kundi payat na payat na parang malnourished, kasing payat daw ng drumstick ng mga drums.
_Tuko= obviously, kasi kamukha niya ang tuko.
_Gamba=mahilig kasi siya mag-drawing ng gagamba, kasi iyon lang naman din ang kaya niyang i-drawing.
_Suneyo=kasi kamukha niya si Suneyo sa Doraemon, nauuna at naka-usli ang panga kaysa gilagid.
_VARICOSE- basta !
_etc.. marami pa.

Pero kung sa tingin mo mga taong ka-edad mo lang ang walang ligtas, diyan ka nagkamali dahil pati mga senior citizen ay kasama. Sino sila? Ang mga natatanging titser natin. Damay-damay lang iyan.

Ipinakikilala ko sa inyo si Squidward. Ang titser ko noong una sa *******. Simple lang, kasi kamukha niya talaga si Squidward. Basta, iyon na. Mabuti naman siyang titser, kung hindi lang siya strikto ay paniguaradong maaawa pa ang aking mga kaklase sa kanya, at baka SPONGEBOB na lang ang itawag sa kanya at hindi Squidward.

Sunod ay si Shrek. Ewan ko nga ba kung bakit Shrek, basta ay shrek na ang naging tawag sa kanya. Pero, hindi niya naman kamukha si Shrek. Ano ma-dedescribe ko sa kanya, okay lang din. Mabait siya, sa mga MATATALINO at nasa FIRST SECTION. Pero sa mga hindi, aba'y hindi. Kung hindi ka sikat, malabong mauuna ka sa mga transactions mo. Partida siya.

Kilala mo ba sina Sir Kuto, Maam Laway, Maam Kulangot, Prof. Teletubbies? Malamang hindi, kasi ay inimbento ko lang naman sila. In short, hindi  sila nag-eexist sa mundong ito. Pero, who knows, baka may isang tao akong mapangalanan ng mga nasa itaas. Malay natin. Pero minsan din, iniisip kong tigilan na ang pagsali sa pagtawag sa kanila ng mga ganon. Pero kapag nangyayari, tinitigil ko na din na isipin iyon.

Pero ano nga ba ang pagkakaiba sa palayaw at pangalan? Sige, bigyan kita ng 1 segundo para mag-isip. Ayan, tapos na.

Sa tingin ko, napaka-importante na pangalan. At ang palyaw mo naman ang mag-didikta kung anong klaseng tao ka. Kasi, hindi ka naman tatawagin na Baboy kung payatot ka, o kahit na tawagin na squidward kung kamukha mo naman si Suneyo. At ang palayaw na iyan ang siyang tatatak sa iyo hanggang sa ikaw ang lumaki. Kahit siguro magbago ka, at least meron pa rin ka pa ring trademark. Ang nakakatuwa lang sa mga ganitong tag-name, minsan sa kanila nagbabago. Maaring gumanda ang pangit, maging sexy ang mataba, at maging Gerald Anderson, ang squidward.

Pero ang pangalan? nasa pangalan kung anong klaseng tao ka. Kung mabuti ka man o masama, pangalan ang damay. Kaya, naapakaimportante na hindi maging marumi ang pangalan. Gaya ng malinis na papel, kapag lagyan mo nang erasure, magmamarka iyan. At makikita mo iyan. Kaya, parating pangalagaan ang pangalan. DAHIL higit sa lahat ng kayaman, iyan ang pinaka-importante. KUNG mamatay ka man, hindi nila iiyakan kung anong meron ka(dahil iba sa kanila natutuwa), kundi sa kung sino ka man.

Kahit ikaw pa siguro ang may pinaka-mabantot na pangalan, bale-wala iyan kung naging mabuti kang tao sa mundo. Afterall, iyan naman talaga ang pangalan mo habang buhay. Sige, humingi ka ng Attorney's Power para mag-change ng pangalann, pero isipin mo na lang ang perwisyo nito.

Bakit? Kasi huhusgahan ka, hindi sa ano ang pangalan mo, kundi sa kung ano ang ginawa mo sa pangalan mo. Kung iningatan mo, o kung binalewala mo lang. Ikaw mismo ang pangalan mo.

Nagtataka ka siguro kung bakit mas nakapagkwento ako ng mas marami sa mga TAG-NAMEs. WALA lang. Trip ko lang. Pero, ang punto ko. Tag-names man o pangalan sa birth certificate, ikaw iyan. Magsumikap ka na hindi na matawag na Ken Bobo, at pangalagaan ang Ken del Rosario na pangalan mo. Diyan iikot ang buhay mo.

Saturday, February 26, 2011

TeeBee


Bakit kaya baliktad mag-suot ng brief sina Batman at Superman?
Bakit kaya kung saan may Jolibee, malapit lang din ang Chowking?
At nada-digest kaya ang kinakain ng mga manananggal?

Ewan ko kung bakit naiisip ang mga ganitong bagay-bagay? Minsan sa mga naiisip ko non-sense. Kaya sabi ng iilan, non-sense daw ako. Pero okay lang, dahil minsan naman kasi masyado na tayong busy sa pagiging matalino at nalilimutan na natin ang mga simpleng bagay lang.

Nanonood ang mga bata sa amin dito sa aming bahay ng mga palabas gaya ng DORA the Explorer. Blues Clues, Wonder Pets at iba pa. Eto namang mga maagulang ko hinahayaan lang ang bata kasi daw educational.

Episode sa DORA the Explorer:
(Parental Guidance: Gagawin ka nitong Genius dahil magbibilang ka sa tagalog tapos i-tratranslate mo naman sa English)

Dora: Sino ang tatawagin kapag hindi natin alam ang daan? (tapos niyan ay magtatanong siya sa screen)
Ako: Map!!
Dora:hindi ko marinig! Lakasan niyo pa!
Mga Bata: BWISIT NA MAP NA YAN!!!
(tapos noon ay lilitaw ang map, na tila narinig ang mga uto-utong audience. Sabay sayaw at kanta)

later sa episode lalabas ang isang daga na parang adik
DORA: swiper wag kang lalapit, swiper wag kang lalapit.

Episode sa Blues Clues:

Ako: may clue!
Steve: Nakakita kayo ng Clue?
Ako: Tanga! Meron nga, kasasabi ko lang?
Steve: Talaga? Nakakita kayo? Asan ang Clue?
Ako: Nakirinig mo pala ako? Astig pre!

Episode sa Wonder Pets:
(Note: kapag binabasa mo ang sumusunod ay dapat laging may tono)

Lili: ang batang weinder, iligtas natin siya.
Tuck: Iligtas ang reinder!
Mingming: Iligtas ang reinder!!! (mataas na tono)
Ako: Sira-ulo kayo! Nakahithit ba kayo ng DRUGS?

Oo! Siguro ay para talaga akong tanga na pumapatol sa mga ganitong palabas sa TV. Isa sa mga natutunan ko sa aking Marketing1 ay  ang market. In short, hindi ako ang target na market ng mga ganitong palabas. Dahil obviously, hindi naman talaga ako bata. Para lang ito sa mga bata para matuto silang magbibilang, bumigkas, sumayaw, kumanta, magla-kwacha, maging OA, at kung ano-ano pang mga bagay. (No choice, wala kasing matinong palabas sa TV).Pero kahit na ganoon, kapag nanonood ako ng mga ganito ay natatawa talaga ako, basta nakakatawa lang.

Pero naisip ko na minsan pala, minsan dapat din nakakanood tayo ng mga ganitong palabas. Kaysa naman palagi na lang sa bawat, pindot ng ON sa TV ay puro na lang oil price hike, government corruption, massacre, patayan, mga balitang problema na iba na problema mo rin.

Tama! Minsan mas maayos din ang maging non-sense kaysa naman sa palagiang pagpapatalino sa sarili na minsan pala hindi mo na nalalaman ang mga simpleng bagay. Ang gusto natin, lahat dapat maayos, lahat dapat successful (na tama namanng prinsipyo). Pero lahat ng maayos at success sa buhay ay nagsisimula sa simple. Kaya bigyang halaga na minsan pala, MAY KATANGAHAN KA.

Dahil minsan sa mga non-sense at may katangahan ay observant.

May classmate ako, tapos noong minsang nasa school bus kami ay na-untog ang ULO niya sa metal bar, sabay sabing “Yes, nauntog ako?” Bakit? Dahil simple lang, HINDI siya ganoon ka gifted sa height. At ang kaklase kong iyon ay isang Dean's lister. Matalino, malalaki ang grades. Pero gayunpaman, natawa ako bigla sa sinabi niya. Doon ko na-realize na hindi sa lahat ng pagkakataon dapat ay palagi tayong malalim, minsan din pala hayaan din natin ang ating mga sarili na maging mababaw.

At doon ko din na-realize na “HEIGHT DOESN'T MATTER.”

Tama nga ang sabi sa isang forwarded text message sa akin,

“x!mpLic8y s b3yuty”
-isang JEJEMON

at ng isa pang message...

“Habang lumalaki ako ay marami na akong realization sa buhay, marami na akong problema, at ang mga sitwasyon ay nagiging mas complicated na. Kaya nga minsan ay hinihiling ko na bumalik ang dati kung saan hindi pa kailangan ng Phytagorean Theorem para ma-solve ang mga problema sa Triangle. At lahat ng sakit ay nagagamot lang ng band aid at kendi.”