"If music be the food of love, play on"
-Shakespeare
Gravitation is not responsible for people falling in love
- Albert Einstein
A feeling of strong attachment induced by that which delights or commands admiration; preƫminent kindness or devotion to another; affection; tenderness; as, the love of brothers and sisters.
-Webster
Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..
-Bob Ong
Sa tamlay ng buhay pag-ibig ko, pag-ihi na lang ang natatanging paraan para kiligin ako.
-Vandal sa CR.
Sa totoo lang, na-kokornihan ako sa mga ganitong bagay. Sa mga sweet texts, love songs, love stories, pati na ang mga chocolates at flowers. Bakit? Hindi ko alam, siguro hindi lang ako romantic. Pero teka, hindi naman ako ang sentro dito, kaya itigil na natin ang pagbanggit sa sarili ko.
Nakakatawang isipin kung bakit ang mga tao ay nagpapakagago sa LOVE na iyan. Ang dami ngang nag-sesenti, nag-dadrama, nag-eemote dahil sa love na iyan. Kung tutuusin, hassle sa buhay. Kesyo, kailangan mong magtiyagang mag-text, tumawag, at palagiang makipagkita sa syota mo. Infact, madalas ang pag-iisip sa kanya kung ano kaya ginagawa niya ngayon, kaya hayan tuloy hindi na makatulog, na nagdudulot ng mga taghiwayat mo. Pero, sa totoo lang hindi naman ako naniniwala kung may taghiyawat ka ay inlove ka na. Kasi may mga taong maramihan kung taghiyawatin, pero it doesn't mean, marami siyang love. Diba? At Minsan, sinisisi din ang love na iyan sa mga paglagpak sa skwela, na ewan ko naman kung totoo. Ano bang kinalaman ng love sa Quantum Physics?
Natatawa ako before kasi kapag tinatanong ang mga kaklase ko sa slumbook na “WHO IS YOUR LOVE?” ang sagot nila ay si God. Napaka-general at safe ng sagot pero sa loob noon, iyon lang palang classmate nila. At kapag tinutukso, ay sasabihin lang “HINDI AH?”, iyon pala ang totoo, “SIGE PA. GUSTO KO PA!” ang tanga!
Hindi ako mabubuhay ng wala ka! nabuhay ka nga at nakapag-grade school ka habang wala kang syota.. ikaw ang kailangan ko sa buhay ko. So, ibig ba sabihin na hindi mo na kailangan ng kanin, ulam at kape?
Pero, hindi naman lahat ng pagkakataon na sa LOVE, puro happy moments lang. May mga pagkakataong hindi lahat naaayon sa gusto mo. Gaya sa mga pelikula, hindi lahat ng bida, puro saya, meron din dapat iyakan. Bakit? Simple lang ang mga rason. Ang kalaban ng LOVE ay PRIDE. At bakit PRIDE? Ito na lang ang pinaka-huli-hulihan mong alas sa lahat. Iyong matuturing mong iyo. Marami hindi nagkakatuluyan sa mga pelikula dahil sa ayaw mag-tapat, mag-confess ng feelings, at sa hiya-hiya. Mga taong nakukuntento na lang sa mga SANA KAMI, at SANA GANITO KAMI. Ang LOVE ay sugal, puno ng RISK. At kung hindi ka mag-ta-take risk, hindi mo malalaman kung panalo ka. Iyon nga lang, kung saan tayo tanga, doon naman tayo masaya.
Ano ang mga love stories na alam mo? Ako? Wala masyado, kahit sikat na ang JACK and ROSE love story sa movie na TITANIC, ay hindi ko pa rin napapanuod ito. Hindi rin ako masyadong tumitingin ng mga ganitong klaseng pelikula, dahil in the first place hindi ako masyadong nakakatingin ng mga pelikula dahil sa gipit na sa time. Pero ano nga ba ang nasa mga ganito na minsan ang iba ay nadadala? Ang buhay ay hindi naman lahat base sa pelikula. Dahil sa mga ganoong bagay, uso ang hapily ever after. Sa buhay hindi naman lahat happy ever after eh. May mga taong naging bigo at sawi sa pag-ibig at sa huli nagpapakamatay na lang. Dahil kung minsan, nagbibigay ang mga ganitong bagay ng false pretense, ng false hope. Andyan sila, kasi gusto ng tao. Sakit sa ulo ang LOVE.
Tama! Siguradong iisipin niyo na ayoko sa LOVE. ANTI-LOVE, o LOVE-hater. Pero nagkamali kayo.
Nasasabi mo ba kung bakit napapangiti ka na lang bigla habang naiisip mo siya? Kung bakit masaya ka habang hawak mo kamay niya? Kung bakit kahit wala kayong pinag-uusapan, mas maganda pa ito sa isang perfect moment. Para sa akin, hindi.
Sa iba ang love ay iyong tipong, memorize mo ang number niya. Iyong tipong tinitingnan mo ang FRIENDSTER, FACEBOOK, MULTIPLY niya. Kulang na nga lang pati YOUTU BE. Iyong tipong
wala lang. Masaya ka lang. At sabi naman ng iilan, kapag nakita mo na iyong TL, makakarinig ka daw ng music.
Naniniwala ako sa LOVE. Sa anong klaseng love. At tayo ay nandito sa anong kinalalagyan natin ngayon dahil sa pesteng love na iyan. LOVE sa Dios, sa pamilya, sa magulang, kapatid, sa kaibigan at sa special someone.
Naniniwala ako na ang love ay napaka-childish, pero kung tutuusin childish naman talaga ang pag-ibig. Infact, hindi mo namamalayan na may mga bagay ka na palang nagagawa na hindi mo aakalaing magagawa mo, at sa huli matatawa ka na lang. Pero for sure, habang ginagawa mo iyon, masaya ka.
Naniniwala ako na hindi tayo kompleto. At kailangan nating hanapin ang taong kokompleto sa atin. Dahil ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyanng nakalaan na tao. Minsan andyan lang bigla, at minsan hahanapin pa. Pero, ganyan ang thrill at challenge ng buhay.
Naniniwala din ako sa konsepto ng REINCARNATION. Iyong tipong isisilang ka matapos mong mamatay. At dahil nga sa naniniwala ako dito, ang taong mamahalin ko ngayon ay ay taong mamahalin ko rin sa susunod kong buhay.
Ang pag-ibig ay simple lang. Mahal mo ang isang tao, iyon lang. Hindi mo alam kung bakit. Basta, MAHAL mo lang.
nice one :D
ReplyDelete