Pages

Wednesday, February 2, 2011

Kapangyarihan Ni Kenkoy


Si Goku. Si Gon. Si Dennis. Si Kririn. Si Kilua. Si Vincent. Si Yugi.Si Recca. dagdag mo pa ang Power Ranger, at si Masked Rider. Kilala mo ba kung sino-sino sila? Kung kilala mo ang mga sumusunod, aba'y siguro magkakababata tayo o kaya naman ay hindi na nagkakalayo ang ating mga edad. Kung hindi naman, aba'y iba siguro ang iyong tinitingnan. Ano? Siguro balita. Kaya naman, congratz kasi bata ka palang matalino ka na. Pero hindi ko naman sinasabi na ang tumitingin ng mga anime ay mga bobo.

Na-adik ako minsan sa mga ganitong palabas noong mga bata pa ako. Pero yata, hanggan ngayon. Gusto kong pinapanood ang mga ganitong mga palabas, kahit na minsan ay late na ako matulog kapag gabi. Kasi naman, noong una ay hindi pa uso ang mga iyak-iyakang palabas.

Sa adik ko sa palabas nito, natuto akong mag-drawing. Hindi lang iyon, natuto din akong kumuha ng mga punda ng unan pati na kumot para aking gawing kapa, kasi feeling ko, ako ay isang superhero, Kapag nakakapa na ako ay bigla akong lulundag mula sa higaan tapos naman ay tatakbo sa balkonahe, aakyat pagkatapos ay lulundag na naman. Tama! Parang timang! Ano pang purpose ng pag-akyat kung lulundag din naman. Tanga!

Si Guko ay isang anime character na ang special ability ay maging isang sayan. Iba-iba ang level nito, may super-sayan. Super-sayan1, super-sayan3, at ewan ko kung ilang super-sayan siya, kasi hindi ko naman natapos lahat kasi putol-putol ang episode sa TV. Siguro, hanggang super-sayan to the nth power. Hindi lang iyon, meron pa siyang kame-hame-wave. At bilang isang uto-utong bata, nagkakahame-hame wave din ako at kunwa-kunwari ay may kalaban ako sa aking harapan. At alam mo kung sino at ano? Iyong pusa namin. Pagkatapos ko siyang ikame-hame wave, sasabihin lang niyang ”MEOW!”

Isa din sa mga anime na nakahiligan ko ay ang Yu-Gi-Oh. Na kahit ngayon ay pilit kung tinatapos ngunit hindi talaga kasi naman ay busy ako. Busy akong matulog. On the other side, si Yugi ay isang duelist. At meron siyang deck of cards. At ang deck of cards na iyon ay mga duel monster. Napaka-lupet nang kanyang mga monster. May korteng bakulaw na may wings, iyon pala, Magic card lang pala, akala ko pa naman ay malakas. Meron ding mga monster na ewan ko na lang kung hindi ka pa maniwala na monster sila. Kasi nga, mukha pa lang, parang mga asong nakatira ng tanduay. Kaya naman sa aking paghanga ay gumawa din ako ng mga sarili kong monster. Ginunting ko ang mga karton ng gatas para gawing card. Maayos naman, at pagkatapos ay tinipon ko sila. Doon ko lang pala na-realize hindi pala sila pantay lahat.

So much for that, minsan napapaisip ako bigla sa mga ganitong palabas. Kasi minsan may katangahan. Hindi na iba sa atin ang mga characters na Power Rangers. Oo, sila iyong mga taong nagiging rainbow ang costume, kulang na nga lang ay lagyan mo na lang sila ng Power Ranger Indigo, at iba pang color. Kapag nag-aaway sila, hindi kompleto ang palabas kapag hindi sila nakapag-transform sa kanilang mga tininang mga costumes. Sisigaw sila ng “Power Ranger Red”, tapos bigla silang magbibihis na may kasamang music na tanan-tananan-tanan. At ang mga kaaway? Andon sa gilid, parang mga tangang naghihintay kung kailan matatapos magbihis ang mga bida para makapaglaban. Kung ako sa kanila, magbubunot muna ako ng damo, para malibang ako.

At gaya ng iba pa, ang mga bida, minsan ay natatalo din ng kalaban. Mula sa mga kapangyarihan ng mga kalaban, ay bigla nalang mawawalan ng powers ang ating mga bida. At pagkatapos, sasakit ang katawan ng mga bida at mamimilipit sa sakit. Sasabihin naman ng mga bida na, “Heto na ang katapusan ng lahat. Patawad at nabigo ko kayo.” Pagkatapos, biglang susulpot ang syota ng bida athahagkan niya ito. Aarte muna sila ng mga ilang sandal. Iiiyak ang bida, at tutulo ang luha ng leading lady at mababasa ang mukha ng bida. At bigla-biglang iilaw ang kapaligiran na mas maliwanag pa sa flashlight. Then, lalakas agad ang bida,mas malakas pa sa noong una. Therefore? Dehydrated lang siya. At kailangan ng luha para, bumalik ang tubig sa katawan. Isipin mo na lang, water break.

Hindi lang iyan, sa mga ganitong mga palabas ay uso ang mga powers. Nabubuhay ang mga ganitong palabas sa mga powers ng mga bida at kontrabida. Kahit na nga iba sa kanila ay masydo ng non-sense ang mga powers sa kanila. Gaya ng powers na kumain ng kaluluwa ng tao. Kung nasa tama kapang katinuan, bakit ka kaya kakain ng kaluluwa, sige nga kainin mo at sabihin mo kung ano ang lasa. Baka naman, lasang UMAMI. Naku, yari tayo diyan. Pero magpagayunpaman, ay isa itong anime. Lahat posible. Kasi imaginative ang mga animators. At dahil napag-uusapan din ang mga powers, hindi mawawala ang kani-kanilang punchline. Iyong tipong bago ka sila maglabas ng mga power ay sisigaw muna sila ng, “Sama-sayoken!” kahit susuntok lang sila, ay kailangan silang sumigaw, at ito ay required. Kasi isa itong keyword, para malaman ng kalaban na, “Oy! May power siya!” Ewan ko nga ba kung saan galing ang mga powers kung Nen (enerhiya sa katawan natin) o sa keywords na mga iyan. Ano kaya?

Ganoon pa man ay ako siguro naging curios sa mga bagay-bagay kung hindi ko ito napanood kasi naman, bata pa lang ay ito na ang aking mga pinapanood sa TV. In short, hindi kompleto ang aking childhood kung wala ang mga ito. Masarap isipin na minsan sa buhay mo, naimpluwensiyahan ka nila.

Sa mga ganitong palabas, natuto akong mangarap, lumaban at hindi sumuko sa mga pagsubok sa buhay. Minsan kapag naririnig ko na pinapatugtug ang mga kanta ng mga palabas na ito ay naiisip ko na hindi lang naman isang pagsubok ang buhay, isa itong chance para matuwa, magtagumpay at maging masaya sa huli.

Oo, alam ko na wala akong kame-hame-wave, at hindi ako makapag-transfer para maging isang ranger. Pero kahit sila, natatalo din. Kaya normal lang ang mga ganyan. Hindi importante kung matalo ka minsan, hindi ito ang kataposan sa buhay. Mag-training kang lumakas ang iyong nen. Magsumikap kang lumakas ang iyong loob.

Walang astig na power sa isang taong ayaw naman gamitin ng maayos ang power na ito. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kapagyarihan sa ating sarili.At gaya ng isang kapangyarihan, kapag ginamit ito ng maayos, lalakas ka. Magtatagumpay ka. Imposibleng hindi.

No comments:

Post a Comment