ENGLISH!!!
Ano ang English ng UTANG NA LOOB?
ENGLISH!!!
Ano naman sa Tagalog ang CAKE?
ENGLISH!!!
Isa na sa mga bagay na hindi maaalis sa atin ay ang ENGLISH. Oo, ang english na simula noong tumapak ako sa eskwelahan ay ito na ang naituro sa akin.Mula sa mga simpleng pakikipagsalita gaya ng “Good Morning teacher, good morning classmates, how are you today?” at ang walang kamatayang “Today is Tuesday, September 16, 2003.” tapos niyan ay lilingon kami agad-agad sa langit sa labas at sabay-sabay kami magsasalita ng, “Today is sunny day”. Minsan, kapag hindi ko alam kung anong weather, liptalk nalang ako. Ganyan ako katalino. Pero back to the point, see? Simula pa lang, andyan na ang english? Di ko pa naman alam noong una ang salitang nosebleed.
Tapos, hayon unti-unti nang naglinaw ang mga mata ko sa english. Gaya ng mga subject, ang SCIENCE, MATH, ENGLISH, ay nasa salitang ingles. Oo, tama, mga subjects na kailangan pa nang mabuting comprehension, para mas maintindihan ang lesson. So, when I enter high school, hayon na. Nangangapa na. Subjects like MATH, Science, ENGLISH, kung saan mga subjects na majoring pa, isama mo pa ang MAPEH, VALUES, in contrast sa mga subjects na ARAL.PAN, FILIPINO. Hayon, iyon lang ang subject na naitutro sa Filipino.
Minsan, ginagamit din ang ingles sa mga formal(daw) na mga transaction just like an interview, o approaching a higher people.why simply because sa paningin ng ibang tao na ang taong marunong mag-ingles ay isang taong may mataas na antas na pag-iisip kahit na “Good Morning” lang naman din. Gaya ko, aminado akong naimpluwensiyahan ako ng lengwaheng ito, pero, kelangan eh. Ano magagawa ko? Naalala ko pa nga noong una sa aming debate session (trip lang ng aming teacher), nagsalita ako at fortunately nairaos ko naman na may panlilibak. “I GATE IT!” - I get it! Iyon lang naman ang aking nasabi.
Minsan pa rin, nalilito ako kung paano i-pronounce ang salitang ito. POEM. May nagsabi na “poym”, meron din namang, “pom”. Actually hindi ko alam, kaya nga minsan ay natatakot akong magsalita kasi alam mo na ang ibang tao, masyadong particular sa “PRO-noun-CIATION”. Minsan din may mga words na mali pala ang interpretation. Gaya ng SIPHON. Oo, inakala kong sipon ito, iyong sakit. Pero sa maniwala kayo't sa hindi, simple lang ang meaning nito. In short, straw. Iyong bent straw.
Heto pa, naalala ko pa noong una ay pinag-aaralan namin ang mga sonnet, mga lyrical “POM”, at iba pang mga essays, short stories ng mga sikat na english writers, poets, essayists, at kung ano pang iba pa. Kung mapapansain mo, maraming flowering words ang mga styles ng mga taong ito. At ewan ko rin ba, kung nag-aabide pa din sila sa rules ng grammar, at syntax, kung saan pilit kong inaral para hindi ko ito ma-summer class. First paragraph palang, mangangailangan ka na ng super absorbent tissue. Kukulangin sa dugong aapaw sa iyong ilong. “let there be a mirage, of all the harmonious tenure, bringing inadequacy to shatter.” oo, gaya nitong linyang ito. Wala akong magagawa kundi iisahin ang mga words na nosebleed at hanapin ang meaning sa dictionary. Sad to say, iyong dictionary ko, walang silbi. Sasabihin lang sayong, harmonious (see harmony). Lang hiya!
Marami talaga ang naimpluwenisyahan ang lenggwaheng ito na dala sa atin nina “HEY JOE!” Oo, sa totoo lang, naimpluwensiyahan talaga tayo, at na-adopt din naman natin. Sabihin man nating we have already our independence, pero talaga nga bang malaya na tayo? O slave pa rin sa impluwenisya nina JOE!
Pero, wala tayong magagawa. Ito ang call of nature. Kailangan makipagsabayan. Buti na lang ay kahit papaano ay nakakaintindi ako ng english. Iyong mga simple lang, hindi ko kaya noong mga dibdibang english.Minsan noong nanuod ako ng DVD(iyong pirated kasi may subtitles para mas maintindihan), ay bigla akong nalito. Sabi ng bida, “Dude, get off from the plane” subtitles: “THIS IS ME?” ano daw??
PERO magpagayunpaman, naniniwala akong malaki din ang ambag ng salitang ito sa pamumuhay ng tao sa buong mundo kasi its the universal language. Ang swerte ng mga kano at hindi na nila kailangan pang mag-aral ng BISAYA, WARAY, ILLONGO, ILOCANO, para lang maintindihan natin sila. On the otherside. Hindi naman ako naniniwala na kapag hindi ka marunong mag-ingles ay hindi ka na matalino, same as hindi naman lahat ng marunong mag-ingles ay matatalino rin. Sabi nga ng math teacher ko, “wala akong paki-alam kung ang pronunciation ko ay “ay-see-krayam” - ICE CREAM.” tama! Hindi ka mamatay kung mali ang bigkas mo. Hindi ka rin ipapakulong kung hindi mo nasunod ang rule ng GRAMMAR. Ang buhay ay hindi palaliman ng english, kundi palaliman ng nalalaman.
No comments:
Post a Comment