Masaya ang pumasok sa eskwelahan. Ewan ko nga ba sa ilan kung bakit ayaw na ayaw nila ang eskwelahan. Siguro daahil ayaw nila ang mga lessons sa eskwelahan na talaga namang nakaka-nosebleed gaya ng calculus, trigonometry at iba pa. Pero kung iyan ang dahilan mo, ang babaw mo. Ikaklaro ko lang sa inyo na hindi naman pang matalino ang pag-aaral. At hindi lahat ng activities ay napapako lang sa dicussion, quiz at project. At kung ano ang masaya? Una, maraming magaganda. Pangalawa, maraming kalokohan. Pangatlo, may diploma ka.
Isa lang akong simpleng estudyante sa isang unibersidad dito sa aming lugar. Gaya ng iba, meron na akong mga bagsak na grado. Kung hindi bagsak, gradong korteng axe ang sa akin. Kung iisipin, kapit na kapit na lang ako sa tenga ng mga pasado. Pero gayon paman, hindi pa rin ako natitinag. Andito ako at nanatiling GIRAFFE ang leeg para makakopya sa seatmate during quiz kapag hindi alam ang answer.
Hindi ako kagaya ng iba. Hindi ako Dean's Lister. Sino sila? Sila ang mga taong inaakala na nag-aaral pala ang isang estudyante ay para maging DL. Ganito ang kanilang mga pilosopiya sa aking palagay. “Hindi ko naman alam ang ganitong mga bagay. Ang alam ko lang na kapag nag-aaral ka, at the end of the sem, DL ka na”.
Mostly sa kanila, kapag tinanong mo ang ilan ang score nila, sasabihin nilang “SECRET!” o kaya naman, “Maliit lang, 92!” And after sa exam, nagmemeeting sila! at ang agenda? “Nasagutan mo iyong Number 3? Ang hirap! Diba kailangan mong kuhanin ang tangent of 4 in respect sa kanyang opposite side? Aba hindi ko alam talaga. Feeling ko mali ako.”
Meron namang mga taong INNATE. Innate o inborn na ang kanilang mukha. Sila ang mga taong may mga pang-artistahin ang mukha. Sila ang mga sumasali sa mga dance presentation o kaya naman mga singing contest. Madalas, sila ang mga tinitiliian ng mga babae at pinapagpantasyahan ng mga lalaki. Pinanganak sila sa ganoong lifestyle.
Kung nasa college ka na, sila iyong tipong may mga kulay ang mukha. Sila iyong tipong may gel sa ulo, dahil kung wala, feeling nila hindi sila cool. Lahat ng angle sa camera, bagay. Bagay sa kanila ang mga iba't-ibang damit, kahit ipasuot mo pa sa kanila ay Ukay-ukay. At ang advantage sa kanila, aakalain mong matalino sila at mabait. Maganda at gwaping kasi sila.
Isa pang maganda sa pag-aaral ay ang mga panahon ng mga activities, gaya ng mga foundation Day, Intrams, at iba pa. Bakit? Ibig sabihin, walang klase sa mga panahong ito. At siyempre, kapag battle of the brains, ang mga kinukuha ang mga matatalino, pati na rin sa mga speech contests, math quiz bee, science quiz bee, spelling bee, at iba pang mga bee. Kulang na nga lang eh, Jolibee.
Kung sa mga Intrams, siyempre iyong mga sporty ang dating. Mga gwapings na sumasali sa mga ganito para makapang-akit ng mga chicks sa skul. Kahit alam nilang paghanga lang sa kanila ang makukuha sa kanila, wala na silang paki-alam. Basta, marami lang silang POGI Points.
Kung mga modeling, Mr&Ms. Intrams, Mr.&Ms. Foundation day, Mr.&Ms. Ambassador of Goodwill, at iba pang mga mr&ms. Gamo-gamo sa gilid, for sure iyong mga alagang belo ang ang mga kutis ang mukha at balat; at gym por gym ang pangagatawan, ang pipiliin.
Alam ko na meron at meron paring mga estudyante ang mga walang magagawa sa ganitong mga panahon. At kahit wala silang gagawin, kailangan pa rin ang attendance, para ma-cheer ang ganitong klaseng tao sa campus. At naghihintay ng 11:30 at 5:OO pm para dali-daling maka-uwi. At kasama ako sa mga taong iyon.
Simple lang ako. Nagsisipsip ng coke sa cellophane during snacks. Kumakain ng snowbear kapag pumupunta sa classroom. Nagkakasakit minsan sa mata, dahil sa sobrang pagtingin sa papel sa katabi. Nag-vavandal ng mga nonsense na bagay sa desk. Nakikipalakpak sa ibang tao during sa isang number. At nag-che-cheer para sa classmates, orgmate, batchmate, para malaman nilang sumusuporta ka sa kanila well infact wala ka naman talagang choice kasi required ang attendance.
Oo, aminado ako. Minsan naiingit ako sa ibang tao na nabanggit ko sa itaas. Hindi, ako magpapaka-plastic. Naiingit ako, dahil hindi ako gaya nila. Isa lang akong normal na estudyante na naki-kikipalakpak sa ibang tao. Bumibili ng tig-7 pesos na ballpen instead of Pilot, o iba pang brand,at kung meron man, ginagamit ko lang ito sa mga importanteng bagay. Kapag may contest sa school kung saan kasali ang mga excellent students na mga kaklase, umuupo, tapos papalakpak, tapos uupo at aalis kapag tapos na. Pilit na Nagbabasa ng mga required books ng mga professors, pero at the end of the chapter, wala namang naintindihan. Kapag may comprehensive problem sa calculus, binabasa ang problem. Tapos titigan lang, at naghihintay na masolve mag-isa ang problem. Wala din akong pandesal sa tiyan, but instead flat. Wala akong well-built chest and biceps, ang meron lang ay guitar chest at drumstick arms. Pero hindi ako naiingit sa kanila kasi gusto ko na maging kagaya nila. Ito ay dahil, sila ang mga taong may mararating sa buhay. At mas may mararating kaysa sa mga gaya kong estudyante.Wala namang Best-in-Copying-while-having-difficulty-in-strategic-position-of-the-eyes-award. O kaya naman, Mr&Ms Sipsipan ng Coke sa Cellophane Gamit ang Straw na minsan ay Pula.
Sa taong gaya ko, mahirap ang sumulat ng resume sa part ng achievements and affiliation. Kahit ano pang sabihin ng iba, sila ang mga taong may greater chance of success, than me and other persons like me. Sinong tanga ang kukuha sa isang worker na may bagsak na grado over a worker who doesn't have any grade below 90? kahit anong gawin natin, hindi ito fair. Kasi, unfair!
At kung nag-aaral ka sa isang unibersidad, pilit din nating kinokommpara ang sarili natin sa iba. Sa ibang mas maganda at mas maayos na school. During interschool activities, binabantay ang mga kilos ng ibang school. Normal naman ito, at hindi na maaalis. Pero sa tingin ko, ang mga sikatna tao lang ang mga bida sa mga activities. Oo, bibigyan lahat ng chances, pero sinong tanga ang pipili ng average kapag meron namang excellent.
Mahirap kunin ang state of excellent, pero meron paring mga tao ang may ganitong state, at ang iba sa kanila, sabayan kung mangontrata ng excellency. Para sa kanila. Perfect ang buhay, lalong-lalo na kapag matalino ka na. Sporty at may mukha pa. Perfect ang buhay. Hindi nila nararanasan na mangamba dahil sa wakas, may bagsak ka na naman.
Masaya ako. Masaya ako hindi ako DL, athelte, model at iba pa. Wala sa akin ang pressure, kahit mangulangot ako sa ilong ko infront, walang paki-alam ang iba, wala naman akong image na mini-maintain. Kapag tinatanong ako kung ilan grade ko, wala akong imik. Kasi, wala namang nagtatanong. Para sa akin, at para sa mga taong gaya ko. Magpasalamat tayo sa mga ganitong pagkakataon. At huwag mawalan ng pag-asa sa buhay lalong-lalo na kapag manliliit ka sa sarili mo. After-all, hindi tayo langaam, tao tayo. Bahala na kung wala ka pa sa excellency state. Lahat tayo ay may ganyan. Coming soon. Hindi tangent 4 ang best lesson sa buhay, kundi TRY-angle.
Minsan sa isang contest ng beauty and brains kung saan kasali ang aking classmate, may tanong na “What is your Philosophy in life, and Why? Kung ako ang tatanungin, hindi ko masasagot ito. Kailangan kasi english straight para ma-impress ang judges. Pero, naniniwala ako na, Maraming tao ang mga gaya nila, at meron ding mga taong gaya ko. Alam nila ang pasikot-sikot sa trigonometry at unit of a circle, samantalang ako, circle na ang paningin dahil sa mga numbers. Marami silang medals, sashes, trophies, at iba pa, samantalang ako merong ribbon na graduates. Kunin na lang ang ribbon ng mama na “Parent” para dalawa na. Pero magpagayunpaman, nalaman kung sa buhay... ITS NOT BEING THE BEST, ITS ABOUT DOING OUR BEST.
tlga tama ang sinasabi mu ayaw nilang pumasok ung mga iba eh gusto sila hindi
ReplyDelete