Pages

Wednesday, February 2, 2011

Ang Titser Ko


Isa sa mga rason kung bakit tayo nasa paaralan ay upang matuto ng mga bagay-bagay na hindi natin kayang matutuunan sa totoong buhay. Gaya ng Methane, Ethane, ethene, at iba pang mga terms na nagpapapasalamat ako na hindi naisipan ng aking magulang na ipangalan sa akin. Meron kasi akong classmate dati, Gene ang panglan.Merong Venus, at meron din Cloud. Okay lang din pero kung ako ang napangalan ng mga terms, huwag naman sana Anus.

Back to the topic, ganyan ang mga guro. At kahit ganyan kaliit ang sweldo nila, (10-15thou lang daw, kasama pa ang kaltas sa mga GSIS, SSS, ano-ano pang mga S dyan sa tabi)hayan pa rin sila at pinahihirapan tayong mga estudyante. Kahit hindi naman talaga lahat na kanilang itinuturo ay kailangan natin sa araw-araw. Gaya ng SOHCAHTOA. Ganito ba dapat? “Manong bayad., sukli po? Sa sin50”.“Teka, kuha muna ako ng calculator, compute ko muna radian equivalent.”

May iba't-ibang klaseng titser at may iba-iba din silang estilo sa pagtuturo. At ang pinakauna sa lahat ang mga tister na “STRICT TO THE POINT”. Sila ang mga titser na kung makapag-bigay ng quiz at exam, aakalain mong isang Board Exam. Sasabihin nilang “strictly no cheating”, at  kapag nagalit sila sa iyo dahil sa tigas ng iyong ulo, abay Good Luck na lang, baka paalisin ka sa room. Kapag may picture sila on-screen kapag school program, paniguradong marami siyang fans.In that case, most of his/her students tend to be responsible even if takes a risk. Kailangan mong mag-sipag dahil para sa kanila, ikaw ang gumagawa ng grades mo. Kailangan mong malaman ang concept ng Meosis at iba pang terms, para na rin sa iyong sariling kabutihin. Take note na hindi naman sila ang mag-ta-take ng board exam kundi ikaw mismo.

Pangalawa sa kanila, ay ang mga titser na “WEIGHTED AVERAGE”. Swabe ang timpla, mga gurong naging balansyado ang debit at credit. Sila ang mga gurong may halong katatawanan ang mga lessons na pinag-aaralan. Ang exams nila, composed of a 50-60 items at most sa kanila ay kinuha lang sa mga question galing sa mga quizzes. But not most of the time syempre. Sila ang mga tister na kapag babatiin mo sa hall ng “Sir, tagay maya!”, “oh, txt lang!” iyon pala hindi naman. Minsan, sa mga ganitong klaseng titser nag-ka-crush ang mga estudyante. Naniniwala sila na ang mga estudyante ay hindi nag-enroll para magtayo ng bloodbank sa school para parating ma-nose-bleed, kundi para matuto sa paraang makaka-relate lahat. Kaya minsan, mga freshgrads ang mga titser dito.

Isa din sa mga uri ng titser ang mga titser na IDOL. Sila ang mga titser kung saan sasabihin niyang NO CHEATING. Pero, lantaran na ang mga kodigo, paninilip at pag-uusap sa katabi para makakuha lang ng answer. Mga titser na ipanganak na may Golden heart. Most sa kanyang estudyante ay hindi na nahihirapan ipasa ang subject at minsan, hindi na rin nagpapakita sa klase. Huwag mo lang gagalitin at paiinisin, baka magsisi ka sa huli.

Last, ang mga titser na TAMBAY. Hindi ka mawawalan ng funny moments sa kanila. Mga titser kung saan tatawa ka mga 30 minutes, tapos lesson, tapos tawa ulit. Masarap pag-aralan ang mga lessons kasama siya. Minsan, sila pa ang may pasimuno ng mga codenames ng mga studyante gaya ng Tuko, baboy, monkey, o kahit ano pang hayop na maiisipan nila. At ang klase, walang magawa, kasi hayon, tawa lang ng tawa kahit isa-isa sa kanila may mga codenames na. Ang worst, iyong maibigay sa yo ang code name na, KIRORO.

Hindi kompleto ang paaralan kapag may isang taong kulang. Iyon ay ang mga titser. Imaginin mo na lang kung walang tister na nagtuturo sa iyo. Siguradong, walang quizzes, tapos hindi kapa mapapagod mag-aral. Walang magsasabing “DONT MEMORIZE JUST FAMILIARIZE”, pero in the end, mas mabuti pa ngang i-memorize na lang para accepted. Hindi ka na matutulog ng hatinggabi para taposin ang kanilang project at hindi ka na din palaging titingin sa orasan para sabihin, “15 minutes na lang”.

In short, nag-aral ka pa talaga!

Kundi dahil sa kanila, hindi ako natutong bumilang ng mga mali at tama ko sa buhay. Hindi ko din siguro alam kong pano basahin ang nilalaman ng aking kalooban, i-drawing ang sarili kapalaran at magsalita at manindigan sa tama o mali.

Kapag hindi na pinag-aaralan ang alamat ng Durian, alamat ng Butete, Alamat ng Mansanitas, at iba-iba pang mga kwentong minsan ay napaniwala tayo. Pero ang titser, kahit sa anong lebel pa nagtuturo, isa pa rin siyang titser. May chalk, may marker, may eraser, may libro, at may mga aral na kahit tayo ay hindi natin natutunan pa. Kahit anong klaseng titser pa sila, alam kong hindi sa lahat ng bagay ay tinuturo nila ang mga lessons ng kung saan kailangan sa board exam, kundi mga lessons din na kahit board exam ay hindi kayang i-question.

Itanong mo sa kanila, kung sino ka, at medyo hindi ka niya maalala. Pero kapag nakita ka niya, siguradong alam na alam niya kung ano ang kalokohan mo noong una. Sasabihin din niya kung saan ka nakaupo noong una. At tapos noon, hindi nila sasabihin pero naging proud din sila sa iyo kahit siguro naging tambay ka lang. Not knowing na ikaw mismo, proud at thankful din sa kanya.

Hindi naman natin alam minsan ang kani-kanilang mga ginagawa kapag wala na sila sa ating room. Kapag andoon na sila sa klase, nakabihis na sila ng mga polo bitbit ang box ng chalk at eraser pati na ang libro. Pero, pagkatapos ng 7:00 pm at wala nang estudyante, bababa sila sa hagdanan at mag-lolog-out sa guard house. Ibig sabihin, kahit sila ay estudyante rin gaya natin. At ang iba na ang lesson sa labas ng school, walang math o physics, kundi puro pointers sa buhay.

Tama nga ang sabi ng iba, “ A TEACHER TEACHES FROM THE HEART, NOT FROM THE BOOK.”

No comments:

Post a Comment