Pages

Tuesday, March 29, 2011

Mamamatay na ba Tayo?


2012? Anong petsa na nga ba ngayon? 


Maraming balita-balita ngayon na malapit na daw ang katapusan ng mundo. Mula noong World Trade center attack sa amerika, at pati ngayong bagong-bago pa na Tsunami sa Japan. Minsan nga , naisip ko na siguro tama din ang sabi ng iilan. “Great Civilizations would fall.” 


Sige nga, sabihin na natin meron talagang mga tao na may kakayahang basahin ang mga hinaharap ng sangkatauhan. 



Ayon sa kalendaryo ng mga mayans, magtatapos daw ang  cycle ng mundo sa Buwan ng Disyembre taong 2012 (of course alam niyo na yan!). Dahil sa kadahilanang wala na daw natalang araw pagkatapos ng DEC. 21, 2012. Sige. Iyon ang sabi nila! 


Meron namang isang tao, na itago nadin natin sa pangalang NOSTRADAMUS, isang French, na sikat daw dahil sa koleksiyon niya ng mga propesiya. Nagkakatotoo ito. Hinulaan lang naman niya na magkakaroon ng French Revolution. Siya rin ang humula sa World war II, pati na kay HITLER. (see youself)


Meron din nagsasabi na lahat dawn a nangyayari sa ating mundo ay gawa daw ng mga di-kilala at tagong organization. Ang Illuminati. Naglalayong magkaroon ng bagong mundo, na sila ang hari. Take note, kasali daw si Pacquiao, sa Illuminati. Kahibangan! 


Ang barahang ito ay nagawa noong mga 90’s. Base sa Illuminati. 

para, mas maintindihan, click lang...

 Kung makikita mo sa baraha… kapareha masyado ang mga orasan sa baraha at sa Tokyo. Mismong oras na nagkaroon daw ng lindol sa Japan. Aba’y weird nga. 


Ikaw, naniniwala ka ba na malapit na nga ang magunaw ang mundo? Ako… hindi ko alam. Pero wag naman sana agad. 


Ano ba? Talaga nga bang totoo ito? O sadya lamang nasabi lang sa atin, at tayo naman ay naniniwala. Maraming natakot noong una na magugunaw na daw ang mundo sa 2000(Y2K). At sinabihan daw kami na maghanda sa delibyong darating. Pero? Nagkatotoo ba? Nagunaw ba? Hindi naman eh. Bagkus, andito pa tayo, buhay na buhay. 


Pero, kahit ayaw man nating sabihin, meron at meron paring END of the WORLD. Lahat dito sa atin ay mawawala. Ang tanong lang, kalian ba? Sabi nang isang kakilala ko, Andito  daw sa mundo ang lahat ng worldly happiness. Pero nasa kabila daw ang joy at peace.


Ikaw? Handa ka na ba sa pag-gunaw ng mundo? Handa ka na bang mawala sa mundong ito? Kung totoo man ito? Paano mo gagamitin ang isa pang taon at ilang buwan na nalalabi? Anong mga ala-ala ang babaunin mo sa kabilang buhay? 


Pero, huwag ka nang mag-alala. Kasi… 


Alam kung darating sina Naruto, at ang mga Hokage. Para iligtas tayo. Nakaplano na daw sila nina BATMAN, SUPERMAN, at ang iba pang Justice League para sa ating kaligtasan. Meron na daw nakitang malilipatan sina San Goku, Vegeta, at Trunks para makaiwas tayo sa gulo. Ang Power rangers na daw ang naka-toka sa lahat ng ating kakainin, at sasamahan na daw sila nila ng mga Powerpuff Girls, para may mag-alaga na daw. ang mukhang adik na si Orichimaru ay magpapakabait na para wala na daw rice shortage.  Siya ang magtitinda. 

Pero sabi nila, ngayon palang, maghanda na. Paniguradong, magkakaroon ng tag-gutom sa mga panahong iyon, kaya siguraduhing ngayon ay kumain na ng mabuti. Ako nga, doble na ang kinakain ko. Wala na ding kuryente for sure, kaya i-charge mo na ang mga gadgets mo. Kapag mag-te-text, isaksak na lang ang CP, habang ginagamit. Tingnan natin kung kaninong CP ang di sasabog. Manood na din ng mga paborito mong palabas, movie, anime, porno, o kahit mga lang kwenta, at least bago ka namatay na-enjoy mo diba? 


At kahit makikita ka ng  bumabagask-bagsak apoy mula sa langit, samahan pa ng malakihang bulalas ng alon sa mga dagat, Magnitude 20 na earthquake, iyong tipong mahihilo ka na, at sabay-sabay na volcanic eruptions at lava outflow, ay paniguradong, hindi okay pero partly okay na rin kasi at least, naging Masaya ka sa buhay mo, dahil nagawa mo ang mga nais mo. 


Easy lang, kung totoo man ang ganitong bagay. Hayaan nalang natin. andyan na yan. Ang gawin na lang natin ay gawin ang mga bagay gusto nating gawin. Live life at fullest. Todo mo na. Para sa huli, wala kang pagsisihan .

Hmmm.. Teka, anong petsa na nga ba?

9 comments:

  1. As much as possible I try to keep an open mind regarding the 2012 issue. Pag wala pang nangyayari, edi di muna ako maniniwala. Sana naman nagkamali lang ang mga Mayans sa paggawa ng kanilang calendar.

    ReplyDelete
  2. yup sana naalan lang sila ng tinta nung ginagawa nila yung calendar kaya di na tuloy.... teka teka ang dami ko pang di na gagawa pare koy panu ba yan kung maniniwala ako eh wala ng dahilan pa para di gawin whahahahha... pero magugunaw man ang mundo o hindi ang tanging magagawa natin eh mag pakasaya at wag waldasin ang bawat oras natin sa mga lang kwentang bagay.... tama kung sa halip na magdabog tayo bakit di nalang tayo maging masaya sa ganun kung mangyayari man ang di dapat mangyari hinding hindi ka mag sisisi... astig na post pare koy... God bless

    ReplyDelete
  3. @will: oo nga! sana nagkamali lang sila. Malay natin, aanga-anga din iyong gumawa nung kalendaryong iyon. At tapos, matatawa na lang ako isang araw, "aba, postpone na ulit ang end of the world, inex-tend daw"

    @Inong: ako rin. and dami ko pang gagagawin sa buhay. sabi nga ng isang ulol kong klasm8, "wag naman sana, hindi pa ako nakakatikim ng babae" ahahaha... kaya, gawin nalang ang mga dapat nating gawin. para, walang pagsisiha. Salamat sa pagbabasa.

    ReplyDelete
  4. ehehehe. asteeeeeeeg dre. ;) labyooo serious na serious bglang nging cartoons \m/

    ReplyDelete
  5. 2PET 3:10 "But the day of the Lord will come as a THIEF IN THE NIGHT; in the which the heavens shall pass away with a great noise, and the elements shall melt with fervent heat, the earth also and the works that are therein shall be burned up".


    It implies the the END OF THE WORLD is unpredictable like a thief in the night... so guys kung naniniwala kayo sa DIOS, wag kayo matakot! walang sinuman na makakapag predict sa eksaktong date ng katapusan... ^___^

    ReplyDelete
  6. sana hindi mangyari na sumabog ang mundo kasi alam ko na hindi tau pababayaan ng diyos basta mag dasal na lang tau .

    ReplyDelete
  7. tnx sa lahat ng mga nag-comment.. personally, hindi ako naniniwala na magugunaw na talaga. Kasi ang dami nang perdictions na lumabas, tapos iyon din naman. hindi rin totoo. at buhay na buhay pa rin tayo ngayon at babasa-basa sa mga blogs. ehehehe... tnx sa mga nagtyagang magbasa. ehehehehe.

    ReplyDelete
  8. Teodorico P. AsuncionAugust 30, 2012 at 6:43 AM

    Hindi magugunaw ang mundo sa oras ng hangganan marami lamang ang mangamatay na tao sa buong sanlibutan at 1/3 lamang ang matitirang papolasyon ng mga tao sa buong mundo kasama na ang Pilipinas sa 1/3.King naisin nating makaligtas sa dadating na hagganan ng ating mundo ay baguhin natin ang ating mga sarili at humingi tayo ng kapatawaran sa mahal nating Ama sa kaitaasan na sanay kanya tayong lahat na ililigtas sa oras ng nalalapit na hangganan ng ating mundong ginagalawan.Marami pa ang mga pagsubok na dadating kagaya ng pinakamalakas na lindol na ating mararanasan sa buong mundo at gagapang ang mga tao at hindi sila makatindig at naiiyakan sa tindi ng pagkalakaslakas na lindol.Mayroon pa tayong panahon upang tayoy magbago at tayoy mapatawad ng ating mahal na Ama sa ating mga nagawang mga kasalanan bagu mahuli ang lahat at habang may panahon pa.Hindi ito biro talagang dadanasin ng mga tao ang mga nakalaang pagsubok bago tuluyan ng bababa ang mahal nating Ama at kanya na tayong huhusgahan at uusigin kung sino ang karapatdapat na manatiling makakasama ng ating mahal na Panginoon sa Templo ng Bagong Jerusalem sa Inang Bayan nating Pilipinas sa nalalapit ng takdang panahon na hangganan ng ating mundong ginagalawan.Malapit na ang katuparan ng kaganapan ng PROPESIYA na ang Pilipinas ang susunod na Bagong Jerusalem sa hinaharap.Kanya kanya ang paglilitas bawat is sa atin hindi mo maisasalba ang iyong kapamilya at hanging ikaw lamang ang makapaglilitas sa sarili mo at iyan ang nasabi ng ating Amang Bathalang Dr. Jose Rizal na magaganap bago siya tuluyang bababa dito sa lupa sa ikalawang pagkabuhay sa katauhang Kristong Tagalog na siyang maghahari sa Templo ng Bagong Jerusalem at sa buong sanlibutan sa nalalapit ng takdang panahon.

    ReplyDelete
  9. =_= thats Not True Commonsense see 2001+2011= 2012???
    2001+2012 = 4013 iKnow that end of the world is Predictable But
    we Cannot PredictRupture

    ReplyDelete