Nakakainis. Excited pa naman akong umuwi para lang tirahin ko iyon.
Isang gabi, pauwi na ako galing sa school. Kasi nasa evening shift ako, kala mo naman isang working student. Pero, hindi iyon ang punto ng aking kwento. Nung umuwi na ako sa bahay, nadatnan ko si Papa nanunuod ng TV.
“May ulam dun sa kaldero” sabi niya.
“K.” Tipid kasi ako sa salita.
“Masarap iyon. Bagong lutong Noodles. Mainit-init pa.”
Kinabahan ako sa mga sinabi niya. Iisa nalang kasi ang noodles dun. At iyon ay Pancit Canton. Ang tanging binili ko kagabi na hindi ko kailanman nakain kagabi.
Hayon na. Natapos na din akong magbihis ng damit.
Dahan-dahan akong pumunta sa kusina para tingnan ang kaldero. Slow-motion ang paligid. Nararamdaman ko na hindi ko magugustuhan ang makikita ko. Ang tenga ko, parang nakakarinig ng vibrations... Mga kaluluwang ligaw na nagpapatakot sa akin.
“Toogsh!!!” sound effects ng kaldero. Pero iyong kaldero pa iyon ng kanin. Hindi iyong sa ulam.
“TOOGSHHH!!” the second time around.
Bigla akong nagulat. Ang PANCIT CANTON na binili ko kagabi, naging SOPAS.. Sa dami-dami ba naman ng kailangan kong sapitin, bakit nilagyan ng sabaw ang PANCIT CANTON. Hindi naman ako madamot, hindi ko lang talaga matanggap sa aking sarili na ang PANCIT CANTON, may sabaw.
“Pa, pancit canton ito. Hindi noddles” sabi ko sa tatay ko.
“ha? Kala ko noodles. Ang sarap pa naman ng sabaw.”
“Hindi po ba kayo nagluto ng iba?”
“Hindi eh. Magluto ka na lang ng iba. May isda sa REF”
Wala talaga akong magawa. Tiningnan ko ang sinapit ng aking PANCIT CANTON. Naaawa ako sa kanyang sinapit. Bakit pa ba kasi kay lupit ng tadhana sa mga bagay na ito. Nakiki-simpatyiya ako sa kanya. Kung makaka-pagsalita lamang ang PANCIT CANTON. Kung makakapagsalita lang talaga siya. At kung makakapagsalita siya, siguro ay …. tatakbo ako. PANCIT CANTON na nagsasalita? Naku! Isang delibyo. Magugunaw na siguro ang mundo.
RIP: PANCIT CANTON
Kaya hayon, kinain ko nalang. Gutom na din ako eh.
No comments:
Post a Comment