Pages

Wednesday, October 19, 2011

Chinese Toddler's Hit and Run Incident

  


     19 ka tao na ang dumaan. O ewan ko nga ba kung tao ang mga iyon, di natin alam. Pero sa mga 19 kataong ewan, nakakainis isipin na titingnan lang nila na duguan. Partida, bata pa iyon ha. Pero, oo nga naman. Malay ba nila na panglima o pang sampu na siyang tao na nakakita sa bata. Ang hirap naman tantyahin kung ika-ilang tao kana na nakakita noon diba?

     Sabi ng mga nabasa kong mga comment, cheap lang daw ang buhay sa China. Mas priority parin daw ang mga lalaki. Sa isang comment na nabasa ko, may isa na daw na insidente nang taong na hit and run, at may tumulong. Dinala sa hospital ang tao. Pero sa kamalasan ng tumulong na tao, siya pa ang napagbintangan. Dahil? Dahil tutulongan daw talaga ng isang may sala ang isang taong kanyang nasagasaan. Konsensiya daw iyon. (ewan ko kung tama ang translation basta ganoon ang thought. Ehehe.. madugong English kasi iyon.)

     Kung sabagay, kung tutulong ka at ikaw pa ang mapapasama, magdadalawang isip ka din siguro. Ang mga ganitong eksena, nakikita ko lang sa DETECTIVE CONAN, na ang criminal ang mismong tumulong sa biktima niya para magmukha siyang mabait. Pero, hindi ko alam, talaga palang nangyayari ito sa totoong buhay.

     Ganito ba kakitid ang utak nila? Kung sabagay, sila naman pala ang mas nakakalaman. Sino ba naman ako? Mag-commento man ako, wala din itong epekto sa kanila. Kasi naman, sisisihin pa din ang kultura, kasi iba ang kultura nila. Lintik na kultura yan! Pati, buhay ng batang walang kamuwang-muwang, damay pa.

     Kung ako din ang nasa sitwasyon, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Kasi for sure, kung dito yan nangyari sa aming lugar, tiyak hindi yan dededmahin. Siguradong pagpyepyestahan yan ng mga tao dito, at maraming tatawag sa pulis, ambulansya o kahit siguro bumbero. At kahit gustuhin ko man na tumulong, wala na. tapos na. may nakauna na. Sorry po, kasi ganito ang aming kultura!





    Kumalat na nga sa internet to. Nag-threading na sa mga networking sites. Maraming naki-simpatya sa nangyari. Kasama na ako doon.


Tuesday, October 18, 2011

MABUTING KALOOBAN

Kung pangit ako, eh ano nalang ang tawag sa iyo?



Katatapos lang pala ng First sem. Sembreak na… sa wakas. Pero ang kwento ko ngayon ay tungkol sa isang pangyayari sa eskwelahan ko. Bale, nangyari ito noong pilihan sa Cashier para sa pagbabayad ng tuition fee. Finals na kasi. Wala pa naman akong klase kaya naisipan ko munang tumambay sa benches sa may cashier’s office. May mga nagbabayad pero konti lang, kaya andaming vacant seats. At heto ang nangyari.

NOTE: hindi ako uso-sero at pakialamero. Napansin ko lang. ahahaha..

May isang nagbayad na estudyante. Sa tingin ko hindi siya gwapo pero hindi naman siya ganoon ka-pangit. Nagbayad siya. Hindi sila magkaintindihan ng cashier. Naglabas ang estudyante ng ID, tapos natapos din kalaunan ang cashier. Pero hindi iyon ang punto ng storya. Kasi ang nasabing cashier, nakasimangot. Halatang inis na inis. Pilit ang smile. At salamat, umalis na din ang estudyanteng iyon. Natapos din ang delibyo nila. Siya nga pala, ang mga cashier pala sa school namin ay pawang mga ESTUDYANTE rin.

            Kalaunan, isang estudyante naman ang nag-settle ng account. At this time, matipono, at macho-gwapito. Ang nakakatawa pa, hindi rin sila magkaintindihan. At honestly lang, mga 4 ding mga estudyante ang hindi makaintindihan ng cashier na iyon. Hahaha.. napaka-pakialamero ko naman. Ewan ko kung tanga o may pagka-bobo lang talaga ang cashier na iyon. Pero ngayong itong si Mr. Pogi na ang nagbabayad, smile pa din si cashier. Siyempre, dapat lang talaga mag-smile. Pero this time, akalain mong para na siyang modelo ng close-up. Kahit hindi na magkaintindihan, sige lang. Basta, smile lang talaga.

            FACIAL DISCRIMINATION. Isang uri din ng diskrimiansyon. Eh bakit pa ba kasi may pinanganak na facially gifted at facially absent. Ayan tuloy hindi na magkandamayaw ang iba sa panghuhusga sa panlabas na anyo ng isang tao. Kasi naman daw, associated na ang pagmumukha sa personalidad. Kung baga, automatic.

            FACIAL DISCRIMINATION. Ang daling sabihin na okay lang maging pangit, ang mahalaga ay ang mabuting kalooban. Eh anak ng pating! Ang hirap makita ng kalooban kapag naglalakad ka lang o kaya nag-babayad lang sa cashier’s office.

            Eh iyon naman talaga ang buhay diba. Kung hindi ka pangit, gwapo ka. Ang iba, medyo-medyo lang. Pero minsan, ganoon lang din eh. Pag pangit, kahit BNY, nagmumukhang ukay-ukay. Pero pag gwapo kahit ukay-ukay, naku nagmumukhang imported. Wala nman akong galit sa ukay-ukay, dahil may mga damit din akong galing diyan. Isa pa, okay lang yan, kasi mas mahalaga parin ang MABUTING KALOOBAN.  Pangit na kung pangit, basta may mabuting kalooban. Pero, kahit ano pang sabihin natin. wala na tayong magagawa. Ganito na daw ang tinatawag nating lipunan.

Ah! Siya nga pala, bumalik uli iyong hindi masyadong ka-gwapohan na estudyante sa cashier. Sana hindi na lang siya bumalik. Hayan tuloy nawala na ang CLOSE-UP smile ng cashier. Sayang, pumangit uli siya. Ehehehe…pero,  okay  lang na pumangit siya basta…. may MABUTI KALOOBAN pa rin.  

Wednesday, October 12, 2011

KAMALASAN



Nakakainis. Excited pa naman akong umuwi para lang tirahin ko iyon.

Isang gabi, pauwi na ako galing sa school. Kasi nasa evening shift ako, kala mo naman isang working student. Pero, hindi iyon ang punto ng aking kwento. Nung umuwi na ako sa bahay, nadatnan ko si Papa nanunuod ng TV.

“May ulam dun sa kaldero” sabi niya.

“K.” Tipid kasi ako sa salita.

“Masarap iyon. Bagong lutong Noodles. Mainit-init pa.”

Kinabahan ako sa mga sinabi niya. Iisa nalang kasi ang noodles dun. At iyon ay Pancit Canton. Ang tanging binili ko kagabi na hindi ko kailanman nakain kagabi.

Hayon na. Natapos na din akong magbihis ng damit.

Dahan-dahan akong pumunta sa kusina para tingnan ang kaldero. Slow-motion ang paligid. Nararamdaman ko na hindi ko magugustuhan ang makikita ko. Ang tenga ko, parang nakakarinig ng vibrations... Mga kaluluwang ligaw na nagpapatakot sa akin.

“Toogsh!!!” sound effects ng kaldero. Pero iyong kaldero pa iyon ng kanin. Hindi iyong sa ulam.

“TOOGSHHH!!” the second time around.

Bigla akong nagulat. Ang PANCIT CANTON na binili ko kagabi, naging SOPAS.. Sa dami-dami ba naman ng kailangan kong sapitin, bakit nilagyan ng sabaw ang PANCIT CANTON. Hindi naman ako madamot, hindi ko lang talaga matanggap sa aking sarili na ang PANCIT CANTON, may sabaw.

“Pa, pancit canton ito. Hindi noddles” sabi ko sa tatay ko.

“ha? Kala ko noodles. Ang sarap pa naman ng sabaw.”

“Hindi po ba kayo nagluto ng iba?”

“Hindi eh. Magluto ka na lang ng iba. May isda sa REF”

Wala talaga akong magawa. Tiningnan ko ang sinapit ng aking PANCIT CANTON. Naaawa ako sa kanyang sinapit. Bakit pa ba kasi kay lupit ng tadhana sa mga bagay na ito. Nakiki-simpatyiya ako sa kanya. Kung makaka-pagsalita lamang ang PANCIT CANTON. Kung makakapagsalita lang talaga siya. At kung makakapagsalita siya, siguro ay …. tatakbo ako. PANCIT CANTON na nagsasalita? Naku! Isang delibyo. Magugunaw na siguro ang mundo.

RIP: PANCIT CANTON

Kaya hayon, kinain ko nalang. Gutom na din ako eh.